chapter 3

4734 Words
Habang nagluluto si Ehm ng paboritong ulam ni Matteo. Tahimik siyang abala sa kusina, masaya ang mga mata habang piniprepare ang pagkain, parang bagong kasal pa rin. Pagkatapos ay inayos niya ang baunan—isang eleganteng white bento box na may gold trim, sinadya pa talaga niyang i-customize iyon bilang sorpresang lunch delivery para sa asawa. His wife—seated casually on a swivel chair, a woman straddling him as they kissed like they owned the world. Mabilis na tumalikod si Ehm, pinigilan ang hikbi, at halos patakbo niyang tinungo ang elevator. Just in time—bumukas ito at diretsong sumakay. Pagbukas ng pinto sa ground floor, agad siyang tumakbo palabas ng building. Hindi niya na alintana ang luha na tuloy-tuloy na bumabagsak sa kanyang mukha. Napansin siya nina Hunter at Tonet. "Wait... si Ehm ba 'yon?" tanong ni Tonet, medyo naguguluhan. Tinawag nila siya, pero hindi siya lumingon. Sa halip, mabilis siyang kumaway ng taxi. “Baka kamukha lang,” ani Hunter. “Yeah, baka nga,” sagot ni Tonet, pero halata sa tono ang alinlangan. Hindi alam ni Ehm kung pano siyang nakauwi ng villa sa Zambales. Basta ang alam niya masakit puso nya. Hindi nya akalaing magagawa ni Matteo ang bagay na iyon. Dumiretso siya sa guest room, doon ay walang humpay niiyang iilabas ang sama at sakit ng kanyang kalooban. Nagkulong lang siya sa madilim na kwarto , hanggang sa tuluyan na siyang makatulog sa pag-iyak. Hating gabi na ng makauwi si Matteo, sa dami ng trabaho niya ngayong araw ay gusto niyang masilayan si Ehm. Tahimik at madilim ang villa. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng suit jacket. “Mama, and’yan ba si Ehm?” “Wala, anak. Pero kahapon, dumaan siya dito. Why?” sagot ni Amelia. “Sige baka nasa Mamita lang.” “Kakagaling ko lang doon, wala rin siya. Matteo, is something wrong?” Pagpasok sa bahay, agad niyang napansin ang bag ni Ehm sa sofa. “Sige Ma, I’ll call you later,” sabi niya bago ibinaba ang tawag. Agad siyang umakyat at binuksan isa-isa ang mga kwarto. Then he found her, nakahiga sa carpeted floor. Walang pag-aalinlangan niyang binuhat si Ehm at dinala sa kama. Bahagyang dumilat si Ehm, agad na iniwas ang katawan mula sa pagkakahawak ni Matteo. “Hey... are you okay? Masama ba pakiramdam mo? Do you want me to call a doctor?” sabay kapa sa noo niya. Kita sa mga mata ni Matteo ang takot—at labis na pag-aalala. Of course, takot siya—takot na may mangyaring masama sa dinadala ko. Iyon lang naman ang mahalaga sa kanya. “Bitawan mo ako. Don’t worry... the baby’s fine,” malamig niyang sagot. “Is there something wrong? Nagtatampo ka ba? Kasi ngayon lang ako nakauwi?” he said, attempting a half-hearted smile. She didn’t respond. Nag-aalis ng coat at nagbibihis ng casual wear si Matteo, tuloy-tuloy sa pagsasalita. “Did something happen here? You look... off.” “Gusto ko na bumalik sa pagtatrabaho.” Walang emosyon na sabi ni Ehm “We’ve talked about this already, diba? You can’t just travel back and forth dahil sa kundinsyon mo.” “Then I’ll stay at my condo.” Matteo turned sharply. “Excuse me? Hindi mo ba naisip ang kalagayan mo?” “Bakit ba gusto mo akong ikulong lang dito sa lugar na to? Para ano? Para magawa mo ng malaya ang mga kabalbalan mo?” matigas ang tono ni Ehm. “Ano bang problema? Look, I don’t want to argue right now, okay? I’m tired. Baka ikaw rin, pagod ka lang. Let’s talk tomorrow.” Pagod? Yah, pagod ka—sa kandungan ng ibang babae! sigaw ni Ehm sa isipan niya. Akma siyang yayakapin ng asawa ng bigla nya itong tinulak saka tumayo. “My decision is final,” matigas niyang sabi. Saka siya tumalikod at pumasok sa kabilang kwarto. Isinara ang pinto at muling naiyak. “s**t!” narinig pa niyang sigaw ni Matteo, kasabay ng pagbato nito ng unang nahawakan—isang throw pillow na tumama sa wall. Matteo ended up falling asleep alone in their room. Kinaumagahan, he woke up early and checked the guestroom—empty. Pagkaligo, nagsuot siya ng plain white shirt and black joggers, then bumaba sa kitchen. Breakfast was already served—but there was no sign of Ehm. Sa halip, isang note lang ang nakadikit sa stainless steel na ref. Gagabihin ako kaya sa condo na ako matutulog. Nilamukos ni Matteo ang papel at gigil na ibinato ito kung saan. Galit at inis ang laman ng dibdib niya habang mabilis na lumabas ng villa at nag-jogging. Sa lalim ng iniisip, hindi niya namalayan na halos five kilometers na pala ang natatakbo niya. Araw ng sabado iyon balak sana niyang ipasyal sa Ehm. Pero hindi niya alam kung anong nangyari. Napahinto siya sa tapat ng villa ng pinsan niyang si Warren—magkasunod lang kasi ang bahay nila sa loob ng isang high-end exclusive subdivision na para sa mga Montecarlo. Bawat villa rito ay may kanya-kanyang malawak na farm, at bilang security protocol ng subdivision, bawal ang gates. Safe naman dahil 24/7 ang roving guards mula sa agency ng pinsan niyang si Jameson. Hingal na hingal siyang naupo sa isang bench sa labas ng bakuran ni Warren. Ilang saglit pa, narinig niya ang mga boses mula sa loob—pamilyar, baritono, at maingay. “Uy, mukhang makukumpleto tayo ngayon, ah,” ani Jace habang lumilingon sa malawak na pintuan. Pagpasok ni Matteo, naroon ang halos buong barkada—mga pinsan at mga kapatid, pati ang mga binatang Montecarlo na nasa 16 to 18 years old, busy sa pagkain sa mahabang dining table. “Ano ’to? May party ka at hindi mo ako inimbita?” tanong ni Matteo habang walang emosyong sumalampak sa malaking leather sofa sa living room. Malawak ang sala ni Warren, open space at overlooking ang buong dining area. “Ewan ko ba sa mga hijo 2.0 na ’to. Ginawang food court ang bahay ko after basketball,” reklamo ni Warren, pero halatang aliw na aliw. "Nagamoy maasim tuloy ang bahay ko." “Masarap kasi luto ni Nana Meding,” sabat ni Jake. “Right, Nana?” “Naku, binola nyo pa ako,” natatawang sagot ng matanda. "Hala sige magsikain na kayo." “Mga mokong, tulungan nyo si Nana Meding magligpit ha? Or else, tagi-isang kurot ang aabutin niyo,” seryosong babala ni Warren. “Aye aye, Captain!” sabay-sabay na sagot ng mga batang Montecarlo, sabay saludo pa. Sa kabilang side ng sala, nakaupo rin sina Cain at Joaquin—kapwa may pasa sa gilid ng labi. “Anong nangyari sa mukha niyo?” tanong ni Matteo, bahagyang kunot-noo. Tahimik lang ang dalawa. “Nagsuntukan,” sabat ni Jameson, nakaupo sa armrest ng sofa. “Seriously? What’s the issue this time?” tanong ni Matteo. Tahimik pa rin ang dalawa. Sabay silang tumungga mula sa hawak nilang baso, sabay abot sa bote ng whiskey sa harap nila. Napatingin sila pareho nang si Matteo mismo ang kumuha ng bote at nagsalin sa bakanteng baso. Pinuno niya ito at inisang lagok lang, ubos. “Mas malala yata ang pinagdadaanan nito,” puna ni Jose. “Easy lang, tol,” abiso ni Hunter. “Maaga pa para magpakalasing. May problem ba sa Ilocos deal?” “Na-close na ’yung deal. Ang issue, ’yung mga lupa na masasakop—may mga magsasaka pa roon. Pero kaya naman ’yung ayusin. Honestly, babae ang mas mabigat na problema ngayon,” sagot ni Jace sabay tingin sa dalawa. “Grabe kayo. Sa dami ng babae sa mundo, nagpapakalunod kayo sa isa,” sabi ni Jose. “Tignan niyo ako—chill lang.” “Nung bumagsak ang kayabangan sa mundo, ikaw ang sumalo ng lahat,” sabat ni Cain sabay salin ulit ng alak. “Don’t worry, darating din 'yung babaeng tatapat sayo,” ani Warren, dahilan ng tawa ng lahat. “By the way, nakita ko kanina si Ehm sa may pantalan. Akala ko nga magkasama kayo,” banggit ni Jameson, parang wala lang. Hindi kumibo si Matteo. Tahimik siyang tumungga ulit. “Ewan. Ganun ba talaga ’pag buntis? Grabe ’yung mood swings. Okay kami kahapon. Tapos kinagabihan, late lang ako ng ilang oras—grabe ’yung galit, parang may ginawa akong krimen,” paglalabas niya ng sama ng loob. “Never pa akong nakabuntis kaya hindi ko alam yan,” sabat ni Jose, sabay tawa. “Ikaw ba, Jace, na-experience mo na?” “Puro ka kalokohan. Try mo kaya maging seryoso, kahit minsan lang,” sabay batok ni Jace sa kakambal. “Intindihin mo nalang,” sabat ni Hunter. “Hormonal talaga ’pag buntis. Baka nagtatampo lang. O maybe she’s feeling restless.” Tahimik lang si Matteo. Ramdam ng lahat na ayaw na niyang pahabain ang usapan tungkol sa kanila ni Ehm. Inalalayan si Matteo ng kapatid niyang si Hunter at pinsang si Jace papasok sa kwarto sa loob ng villa. “Magpahinga ka na, Matt,” sabi ni Hunter, mahinahon ang tono. “Baka pagdating ng asawa mo, mas kalmado ka na. Mag-usap kayong maayos, ha?” Tinapik ni Jace ang balikat ni Hunter. “Kayo ba ni Tonet, okay na?” biro niya sabay ngiti. Napailing si Hunter bago kumutok kay Jace sa ulo. “Tumigil ka nga,” sabay labas ng kwarto. Tumatawa naman si Jace habang sumunod na rin. Samantala, abala si Ehm sa resto-café. Pilit niyang inookupa ang sarili sa trabaho—kahit hindi naman niya kailangang magbuhat, maglinis, o maglista. Ginagawa niya ang lahat para lang hindi maisip ang sakit. Ayaw niyang mamuhi sa asawa, kahit na malinaw pa sa alaala niya ang nakita niyang pagtataksil. “May something talaga,” bulong ni Angge habang ipinapatong ang tray sa table, nakatitig kay Ehm na nakaupo sa may bintana ng kitchen area. “Kanina ko pa rin siya inoobserbahan,” sabay na sagot ni Lani habang abala sa paperwork. “Pero ang sabi niya, okay lang daw.” “Ganyan na ganyan siya kay Paulo noon, di ba?” singit ni Angge, halatang hindi makatiis. “Wag mo ngang banggitin ang pangalan ng damuhong 'yon. Nakakairita pa rin,” inis na sabi ni Lani habang pinipirmahan ang isang dokumento. Nasa isang sulok sila ng café—Linggo, kaya puno ang resto-café ni Ehm. Nang makita ni Angge na lumabas ng kitchen si Ehm, agad niya itong hinila papunta sa table nila ni Lani. “Hoy, Angge! Ang dami nating customers,” reklamo ni Ehm habang nililingon ang dining area. “Marami rin tayong staff. Kaya umupo ka na d’yan,” sagot ni Angge habang inaakbayan siya. Tahimik lang na nakatingin sa kanya ang dalawang kaibigan. “Ano na?” tanong ni Lani. “Anong ‘ano’?” iwas ni Ehm. “Anong problema, bruha?” sabad ni Angge. “W-wala…” mahina at utal na sagot ni Ehm. Hindi kumibo ang dalawa. Pinagmasdan lang siya. “Sige kung wala, edi wala. Pero umupo ka muna dito. Don’t forget, hindi lang ikaw ang pagod. Pati ’yung baby sa tiyan mo, nararamdaman lahat ng stress mo,” malumanay na sabi ni Angge. Doon na bumigay si Ehm. Tuluyan na siyang humagulgol. Wala nang tanong, wala nang pilit. Hinayaan na lang siya nina Lani at Angge na ilabas ang lahat ng sakit na kinimkim niya mula pa kagabi. Hindi niya namalayan, nakatulog pala siya habang nakasandal sa sofa ng café. Nagising si Ehm na nakahilig pa rin sa upuan. Nasa tapat niya si Lani, tahimik na nagte-text. “N-nakatulog pala ako,” mahinang sabi ni Ehm. “Yup. Ok ka na ba?” tanong ni Lani, ngumiti nang marahang. Tumango si Ehm saka tumingin sa paligid. “Gabi na pala. Umuwi na si Angge?” “Yeah, night shift ang duty niya simula nung kami na ang nag-aasikaso ng resto,” sagot ni Lani habang inaayos ang bag. “Tara na?” “Huh? Saan?” gulat na tanong ni Ehm. “Uuwi na tayo, no. Wala akong balak dito matulog. Ihahatid kita,” matigas pero alaga ang tono ni Lani. Okay lang, may dala naman akong sasakyan,” sabi ni Ehm. “Nope. Sa akin ka sasabay. Tapos na ang diskusyon, Mary Jane. Let's go,” sagot ni Lani, sabay kuha sa bag ni Ehm mula sa opisina. Paglabas nila ng café, iniabot na lang nila ang susi sa guard. “Pagod ka na rin, bru… kaya—” “At sa tingin mo hahayaan kitang magmaneho mag-isa sa ganyang state mo?” putol ni Lani, sabay tuloy sa kotse. “T-teka lang, Lani… sa condo ko ako uuwi,” sabi ni Ehm, medyo mahina. “Okay,” sagot ni Lani, wala nang tanong. Inihatid siya ni Lani hanggang harap ng condo building. May emergency daw itong kailangan puntahan kaya hindi na siya nakasama paakyat. Pagbukas ng elevator, natigilan si Ehm. Nandoon si Matteo, nakasandal sa may pintuan ng condo unit niya—halatang kanina pa naghihintay. Agad siyang tumalikod at paulit-ulit na pinindot ang down button ng elevator, nanginginig ang mga daliri. Pero naramdaman niyang may humawak sa braso niya—marahan, ngunit mahigpit. Iniharap siya nito. Malungkot ang mga mata. Pagod. Nangungulila. Gusto sanang abutin ni Ehm ang mukha nito, pero pinigilan niya ang sarili. Sinubukan niyang kumawala, pero mas lalo siyang niyakap ng lalaki—mahigpit, parang ayaw siyang pakawalan. “I miss you…” bulong ni Matteo habang nakayakap pa rin. Parang yelo ang puso ni Ehm na unti-unting natutunaw sa init ng tinig ng asawa. Nanghina siya sa narinig. Ang utak niya, sumisigaw na ‘layuan mo siya!’ Pero mas nanaig ang t***k ng puso niya. “Ang… ang baby… baka maipit,” yun lang ang nasabi niya. Agad na lumuwag ang yakap ni Matteo. Hinawakan siya sa kamay at dahan-dahang inalalayan papasok sa unit. “Sa condo ko na tayo mag-stay,” alok ni Matteo habang tinutulungan siyang makaupo. “Mas kumportable ako dito,” sagot ni Ehm. Tahimik niyang inihain ang pagkain sa asawa. “Kumain ka na. Tapos, puwede ka nang umalis.” “Ehm… ano bang nagawa ko?” seryosong tanong ni Matteo. Hindi siya sinagot ni Ehm. Tumayo na lang ito at deretsong pumasok sa kwarto. Ayaw niyang malaman ni Matteo na alam na nya ang kabalbalang ginagawa nito. Natatakot siyang lumayo ang loob ng asawa. Ilang segundo lang, narinig niyang bumukas at nagsara ang pintuan ng unit—lumabas na si Matteo. Napaupo si Ehm sa may gilid ng pintuan ng kwarto. At doon, muli siyang umiyak—walang tunog pero malalim, masakit, at puno ng pighati. Kinabukasan ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ehm habang nakatayo sa harap ng kanyang vanity mirror. Ang mga mata niyang namumugto ay tanging sumasalamin sa kabigatan ng mga iniisip. Tumingin siya sa alarm ng kanyang cellphone, at sa pagkakataong iyon, naalala niya—ang araw ng kanyang check-up. Hindi maikakaila, hindi pwedeng hindi si Matteo ang mag-aasikaso sa check-up nila. Lumingon siya sa paligid, at pagkatapos ng ilang saglit na pag-aalinlangan, nagdesisyon siyang tumayo at magtungo sa banyo upang maghanda. Naka floral na maternity dress siya, simple ngunit eleganteng bumagay sa kanyang kalooban, na tila isang babaeng may pino at maingat na panlasa. Bago siya umalis ng condo, bigla niyang naisip na hindi niya pala dala ang kotse, iniwan niya iyon sa resto-café kagabi dahil hinatid lang siya ng kaibigan. Nang bumangon siya mula sa elevator ng kanilang building, pilit niyang pinigilan ang sariling mag-isip ng masama. "Asa ka naman na nandiyan ang asawa mo," bulong niya sa sarili habang tumitingin sa lobby. Pero hindi na lang niya ipinagpatuloy ang kanyang nararamdaman. Napansin siya ng receptionist nang dumaan siya. "Ano po yun, Ma’am?" tanong ng receptionist. "Ah, wala," sagot ni Ehm, at naglakad na palabas ng building, nagsisilibing muling binubuksan ang sarili sa posibilidad ng bagong araw. Sa labas ng building, sumakay siya ng taxi patungo sa ospital na pag-aari ng pamilya Montecarlo. Isa ito sa pinakamalaki at pinakaprestihiyosong ospital sa buong bansa, punong-puno ng mga eksperto at mga espesyalistang kilala sa larangan ng medisina. Pagpasok niya, nakita niya agad si Angge. Isang mabilis na beso sa magkabilang pisngi at magiliw na bati sa kanya ang sinalubong ng kaibigan. Angge, na nakasuot ng puting uniporme at miniskirt na may kasamang purple na bag, ay nagmumukhang fresh na fresh sa bawat hakbang. "Kamusta ang buntis?" tanong ni Angge na may kasamang maligaya at sinserong ngiti. "Ok naman, medyo hirap lang ngayon," sagot ni Ehm, pilit tinatago ang pagod sakanyang boses. Masaya na lang siya na hindi na tinanong pa ng kaibigan ang iba pang detalye. "Pauwi ka na ba?" tanong niya. "Hindi pa, magra-raket pa ako ginrab ko na." Saglit na nag-isip si Angge bago magdagdag, "May mag-aasikaso na ulit sa resto-café mo." "Mag-ingat ka sa mga kinukuha mong raket ha, iba na ang panahon." paalala ni Ehm, na may halong alalahanin. "Syempre naman kaya wag ka mag-aalala. Mapagkakatiwalaan naman ang kasama ko." Sagot ni Angge na may kasamang kumpiyansa. "At sino naman 'yan?" tanong ni Ehm na may halong curiosity. "Si Doc Cain." Sagot ni Angge na may pabirong ngiti. Nagulat si Ehm, at nagtakip pa ng bibig sa kakatawa. "Don’t tell me—?!" "Ha! Ang dumi ng utak mo," sagot ni Angge na medyo nagtatampo ngunit tumatawa rin. "May medical mission siya sa Bohol at kulang siya ng staff, kaya nahugot niya ako." "Bakit parang kinikilig ka?" tanong ni Ehm, hindi mapigilang magbiro. "Anong kinikilig?!" agad na sagot ni Angge "Ayan oh halata sa mukha mo!" wika ni Ehm, tila may lihim na kilig. "Hindi mo na kailangang magtago. Ano, crush mo si Doc?" Hindi na nakasagot si Angge at nagkibit balikat na lang. "Alam mo naman na hindi mahalaga sakin yan. Kinikilig lang ako kasi may dagdag kita ako ngayon." Nagtawanan sila, at bago pa makaalis si Angge, nagpaalam ito at nagtakda ng mga plano para sa kanilang susunod na lakad. Si Ehm naman, pagkatapos ng masayang kwentuhan, nagpatuloy sa kanyang destinasyon—ang mga susunod na hakbang ay magdadala sa kanya sa mga susunod pang pagsubok at sagot sa mga tanong na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Pumasok si Ehm sa loob ng klinika ng kanyang OB-GYN. Ang silid ay puno ng eleganteng mga dekorasyon, na may amoy ng mga bulaklak at mahinhin na ilaw mula sa mga chandelier. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ng doktora nang makita siya. Si Dra. Miranda, isang may edad na babae na may malumanay na tinig at alindog na hindi matitinag ng panahon. "Hi, Mrs. Montecarlo, upo ka na. Wala ba si Mister?" tanong ng doktora habang inaayos ang mga gamit sa tabi ng kanyang mesa. "May mga importanteng nilakad po," sagot ni Ehm, hindi iniiwasan ang luhang nag-aalburuto sa kanyang mga mata. "Ah, ganun ba? Sige, mahiga ka na at icheck natin si baby," sabi ni Dra. Miranda, na may halong alalahanin sa tono ng boses. Habang humiga si Ehm sa malambot na exam table, nagsimula nang magtrabaho ang doktora. Ang bawat galaw ni Dra. Miranda ay puno ng propesyonalismo at maingat na pag-aalaga. Habang isinasagawa ang mga pagsusuri, hindi maiwasan ni Ehm ang mag-isip ng malalim. Ang mga pagkabahala ay nag-aalburuto sa kanyang dibdib, pero tinangkang magpakatatag ni Ehm para sa kanyang anak. "Bawasan mo ang stress at paggalaw, Mommy, ha?" malumanay na payo ni Dra. Miranda habang binabaybay ang proseso. "Masyadong mababa si baby, ngunit malakas pa naman ang heartbeat. Bibigyan kita ng ilang gamot, siguruhin mong maiinom ito ng maayos, ha?" "Yes, Dra," sagot ni Ehm na may kalungkutang nadarama, na pilit nilalabanan. Kahit ang mga mata niya ay tila sumasalamin sa isang lungkot na hindi kayang itago ng isang matibay na facade. Halos isang linggo na mula nang malaman ni Ehm na umalis si Matteo. Ang mga araw ay dumaan na walang ginawa si Ehm kundi ilaan ang kanyang atensyon sa resto-café. Minsan, doon na siya natutulog sa sobrang pagod, tulad ng gabing iyon. Matapos magsuot ng pantulog at maglatag ng banig sa opisina, biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Sa lakas ng pagkakabukas, parang magigiba ang pinto. Niluwa doon si Matteo, ang mga mata'y puno ng galit at mga palad na mahigpit na nakapulupot. Nanlaki ang mata ni Ehm sa pagkabigla nang makita si Matteo. Gusto niyang tumakbo at yakapin ito, ngunit para bang napako ang kanyang mga paa sa lugar na iyon. "M-Matt..." iyon lang ang nasabi ni Ehm, na tila naguguluhan. "Papatayin mo ba yang batang nasa sinapupunan mo?" galit na tanong ni Matteo, ang boses ay puno ng inis. "A-ano?! Teka, bakit ko gagawin 'yun?" sigaw ni Ehm, hindi makapaniwala sa narinig. Walang sabi-sabi, binuhat siya ni Matteo at inilabas ng resto-café. Inilagay siya sa tapat ng kanyang mamahaling sasakyan, saka binuksan ang pinto at iniabot ang susi sa guard ng resto. Napilitan na lamang si Ehm na pumasok sa loob ng sasakyan, ayaw niyang mapansin sila ng mga tao sa labas. Maya-maya pa, sumunod na rin si Matteo, pumasok sa driver's seat, at galit na isinara ang pinto. "Damn!!!" galit na sigaw ni Matteo, sabay hampas ng kamao sa manibela. Bigla niyang pinaharurot ang sasakyan, hindi alintana ang mga galit na tanawin. Tahimik silang nagbiyahe, at hindi rin nagsalita si Matteo. Napansin ni Ehm na hindi ito ang daan papunta sa kanyang condo. "L-lampas na tayo sa condo ko," sabi ni Ehm, ngunit hindi kumibo si Matteo. Pagdating nila sa hotel ng kapatid ni Matteo, bumaba si Ehm at sumunod ang asawa. Nasa basement parking area sila ng hotel, at wala pa rin silang sinasabi. Habang inaantay ang pagbukas ng elevator, nagpasya si Ehm na magsalita. "U-uwi ako sa condo ko," alanganing sabi ni Ehm. Mabilis siyang isinandal ni Matteo sa pader pero maingat, at naglabas ng galit, saka isinuntok ang kamao sa pader. "Hanggang kailan mo ako gaganitohin?" galit na tanong ni Matteo. "Ano bang ginawa kong mali para tratuhin mo ako ng ganito?" Napapikit si Ehm sa akalang tatamaan siya, ngunit nang magdilat ng mata, nakita niyang dumudugo na ang kamao ni Matteo. Kinuha ni Ehm ang kamay ng asawa at marahan itong ibinalot sa kanyang pantulog na t-shirt. Pinindot ang button ng elevator, at nang magbukas ito, hinila niya si Matteo papasok hanggang makarating sila sa suite nito. Hindi pa rin nagsasalita si Matteo, at sa bawat hakbang ay naramdaman ni Ehm ang bigat ng mga nangyayari. Pagdating nila sa condo ni Matteo, walang imik ang asawa. Nakaupo sila sa sofa, at nakatingin lamang si Matteo sa kanya. Nagpasiya si Ehm na magtungo sa first aid kit upang gamutin ang kamay ng asawa, ngunit bago pa siya makatayo, pinigilan siya ni Matteo at niyakap siya. "Pwede bang wag mo na akong parusahan? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Miss na miss na kita," malumanay na sabi ni Matteo habang nakayakap sa kanya. "Matt..." mahina niyang sagot, saka tinanggal ang pagkakayakap sa kanya ng asawa. Hinaplos ang mukha ni Matteo at hinalikan ito. Binuhat siya ni Matteo, at sa isang matamis na halikan, muling nagsimula ang gabing matagal nilang hindi naramdaman. Unti-unti nilang hinubad ang mga nararamdaman nilang mga kasuotan, at pinagsaluhan ang bawat sandali na matagal nang nawawala sa kanila. Sa bawat sulok ng condo ni Matteo, muling nahanap nila ang isa't isa. Hindi alam ni Matteo kung ano ang naging dahilan ng pagtatampo ni Ehm. Ilang beses na niyang tinanong ito, ngunit iwas siya sa mga tanong. Ang mga araw na hindi niya nakita si Ehm ay nagpapabigat sa kanyang pakiramdam. Halos hindi na siya makapagtrabaho ng maayos. Nang mag-resign pa si Tonet, hindi na niya maipaliwanag ang lungkot na nararamdaman. Nang magtungo siya sa Australia, hindi niya na kayang tapusin ang conference at agad umuwi ng Pilipinas. Habang si Ehm ay ramdam ang bigat ng katawan, masaya siyang bumangon mula sa kama. Ngunit bago pa man siya makalabas, naamoy niya ang nilutong tuyo mula sa kusina, at mabilis siyang tumakbo sa banyo upang magduduwal. Paglabas, ang alalang mukha ni Matteo ang bumungad sa kanya, na naka-apron at nakasuot ng chef hat. "Saan mo nakuha 'yan?" natatawang tanong ni Ehm. "Hiniram ko kay Hunter sa baba. Bagay ba?" sagot ni Matteo, sabay kindat. "Wala namang hindi babagay sa'yo. Pero mas gusto ko kung... wala kang suot," pilyang bulong ni Ehm. Kunwaring tinakpan ni Matteo ang katawan. "Wag po... Namulestya mo na ang katawan ko kagabi," pabirong sagot ni Matteo. Magkasabay silang natawa. Inakbayan siya ni Matteo at lumabas ng kwarto. Biglang kumusot ang ilong ni Ehm, at napansin iyon ni Matteo. "Padeliver na lang tayo?" tanong ni Matteo. "Pwede?" malambing na sagot ni Ehm. Hinalikan ni Matteo ang asawa, at iniisip lang ang kaligayahan ng kanilang pamilya. "Kung ano ang ikakasaya mo at ng baby natin." Parang lumulutang sa tuwa ang puso ni Ehm, dahil sa muling pagkakaroon nila ng koneksyon at pagmamahalan ni Matteo. Mabilis na lumipas ang mga araw, at masaya si Ehm sa kanilang pagsasama ni Matteo. Alagang-alaga siya nito—mula sa kanyang pangangailangan hanggang sa mga simpleng bagay na nagpapasaya sa kanya. Pinayagan na rin siya ni Matteo na magtrabaho muli sa kanyang resto-café, bagay na labis niyang ipinagpapasalamat. Tuwing hapon, palaging sinusundo siya ni Matteo matapos ang trabaho nito sa opisina. Napuno ng mga matatamis na sandali ang kanilang araw-araw, at unti-unti, naging payapa ang puso ni Ehm. Wala na siyang dapat ipagalala pa—kasal na sila ni Matteo. Hindi man niya alam ang tunay na damdamin ng asawa, at gagawin niya ang lahat ng makakaya para maging mabuting asawa at ina sa kanilang magiging anak. Araw ng Linggo, at habang nag-aalmusal ang mag-asawang Ehm at Matteo, biglang tumunog ang telepono ni Matteo. "Yes, Pa?" sagot ni Matteo, inilapag ang kubyertos at nagkatinginan sila ni Ehm. "Nasaan na kayo? Wala na nga ang kuya Hunter n’yo, pati ba naman ikaw, wala pa rito?" mariing tanong ng ama. Napamulagat si Matteo. Ngayon nga pala ang Stallion Competition ng mga batang Montecarlo—isang taunang tradisyon ng kanilang pamilya. Agad siyang tumayo at nagmamadaling lumapit kay Ehm. "Love, kailangan na nating umalis," aniya, halatang nag-aalala. Wala nang tanong si Ehm. Matapos magbihis nang mabilis, nagtungo silang mag-asawa sa rooftop ng hotel, kung saan naghihintay ang isang helicopter na may nakaukit na emblem ng Montecarlo. Sa ilang saglit, mabilis nilang narating ang isla ng Montecarlo. Pagkalapag ng helicopter, sumakay sila sa nakahandang kotse ni Matteo na naghihintay sa dalampasigan, at mabilis na bumiyahe patungo sa lugar ng kompetisyon. Halos kakasimula pa lamang ng kompetisyon nang dumating sila sa stable arena ng isla. Nag-uumapaw ang lugar sa dami ng tao—mga prominenteng personalidad, kanilang mga pamilya, at maging ang media na abalang nagkokober ng kaganapan. Ipinagdiriwang ang taunang Stallion Competition bilang bahagi ng pista sa isla, at laging inaabangan ito ng lahat. Pagdating nila, agad na sinalubong ni Matteo ang kanyang pamilya, at magiliw silang binati ng mga ito. Hindi maikakaila ang engrandeng selebrasyon—mga magagarang kasuotan, masasayang usapan, at ang nakabibinging ingay ng mga tagahanga ng bawat kalahok. Habang umuusad ang bawat kompetisyon—mula sa bilis ng karera hanggang sa husay sa pagpapakilos ng mga kabayo—hindi naiwasang libangin si Ehm. Ito ang unang beses na napanood niya ang ganitong paligsahan, at tuwing lalampas sa harapan nila ang mga kalahok, napapasigaw siya sa kaba at tuwa. Minsan pa nga, napapakapit siya kay Matteo sa tuwing umaarangkada ang mga kabayo ng mga Montecarlo, at nang manalo ang isa sa mga ito, hindi niya napigilang pumalakpak at sumigaw. Ang saya at tensyon ng kompetisyon ay ramdam hanggang sa pinakahuling laban. Pababa na sila ni Matteo sa stable arena nang biglang dumating ang grupo ng mga batang Montecarlo. Bagama't nasa edad labing lima hanggang labing walo lamang ang mga ito, kapansin-pansin na ang kanilang kakisigan at matatangkad na pangangatawan—mga kabataang halatang isinilang sa pribilehiyo at disiplina ng kanilang pamilya. Sa gilid ng arena, agad na nagkagulo ang grupo ng mga kababaihan. Nagtilian ang mga ito, lalo na nang isa-isang alisin ng mga kabataang Montecarlo ang kanilang mga helmet, ibinubuyangyang ang kanilang mga gwapong mukha at magulo ngunit kaakit-akit na buhok. Parang eksena sa isang pelikula, at bawat galaw ng mga batang Montecarlo ay parang sinadya upang kiligin ang kanilang mga tagahanga. Napangiti si Ehm habang pinagmamasdan ang eksena. Magiliw silang sinalubong ng mga kamag-anak ni Matteo, at nag-umpisa na silang makihalubilo at makisalo sa kasiyahan ng araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD