Chapter 1

983 Words
  Chapter 1   Ligtas   Peay Madrid         "Kafatid sa pananampalataya, ingatan mo iyang bag na iyan a! Ang dami-daming merch niyan. Yung lightstick at yung snowglobe na may fansign pa ni pafa Creid, juskulordski! Ingatan mo please Peay, I am begging you,” pagmamakaawa ng bruha sa kabilang linya ng tawag.     Naiirita akong umirap sa kawalan habang inililipat sa kaliwang tenga ang cellphone kong nilipas na ng panahon. Wala sa hulog kung mang-istorbo ang babae na ito.     Idagdag pa na ang sakit sa tenga ng boses ni Vanna.     "Naka-siyam na bilin ka na babae! Hindi ako idyota ano... Kung hindi ka kasi isa't kalahating  burara, isang linggo ka lang dito sa hacienda ay iilang maleta ang bitbit mo! Ang laki-laki ng kwarto mo sa ancestral house niyo, dito mo pa tinambak iyang mga basura mo!" Sermon ko sa kanya.     At nang tinawag kong basura ang mga fan merchendise niya ay saka na ito nagtatalak...    na naman.     " Hoy baklang mukhang babae, hindi por que BFF tayo pwede mo ng kantiin ang asawa ko. Na ah ah! Ghorl don't you dare!" Kunwari ay nagbabanta siya. Meganon!?     "Oshasha, bahala ka diyan sa ka-buang-an mo. Bababa na ako dito sa bubong ano! Tawag nang tawag alam naman ng walang signal sa bukid! Saka mo na kunin itong mga puñetang merch mo kapag nakabalik ka na galing Japan." Pikang dagdag ko pa     "Okay, basta alaga- toot."     Binaba ko na yung tawag. Non-stop talaga yung babae na iyon. Masyadong ulimited.   Siya lang naman ang nag-iisang kaibigan ko noong nakipagsapalaran ako sa Maynila para makapag-aral ng kolehiyo sa larangan ng Agrikultura.   Kababata ko iyan sa San Lorencito, at ang pamumuhay namin ay napakalaki ang agwat.   Anak siya ng Don at Donya sa lugar namin, ang Hacienda Salvacion. Kapatid niya ang ex ko unfortunately, si Van.     Recap lang sa buhay ko. Matapos akong makapagtapos sa aking kolehiyo ay nanirahan ulit ako dito at naging isang tagapamahala ng malaking lupa sa Hacienda.     Malaki naman ang sahod ko, pero balak ko din na sumunod kina Ate at Mama sa Amerika...     Isang taon na lang... makakalimot na rin ako sa wakas. Gusto ko na lang na ibaon lahat sa lupang ito ang mga alaala namin ni Van.     Bumaba na ako sa bubong ng Nipa house ko. May kuryente naman dito at hindi rin pahuhuli sa mga kagamitan sa loob. Malaki naman kasi ang kinikita ko rito. Sapat na para magkaroon ako ng mga savings at investment para sa future.     Pinapalibutan ako ng malawak na palayan, maisan at sa hindi kalayuan ay ang palaisdaan na balak kong bisitahin mamaya kasabay na ng lugar kung saan naroon ang pastulan ng mga kalabaw at baka. Payak ang pamumuhay malayo sa polusyon ng kabihasnan. Hindi man ako ditto pinanganak ay ditto naman ako nagkamuwang sa mundo.     Sa San Loencito ako natutong umibig, nasaktan at naging dalaga. Opo, at isa akong bakla na loud and proud, umaangat din sa buhay.     Naligo muna ako bago tuluyan nagluto ng aking panghapunan. May kukunin ako kay Albert mamaya, galing ito sa pinaka bayan at sabi'y ala sais na ng hapon darating.         Nagluto ako ng pritong kamote tops, kamatis na may alamang, pritong tilapya at pares sa mainit na kanin at malamig na kalamansi juice. Lahat ay natural and no preservatives. Kaya naman hindi ako mabilis na dapuan ng sakit, yung huling sakit na dumapo sa akin ay yung break-up naming ni Van.       Matapos ang masarap na hapunan ay pumunta ako sa maliit na kwadra sa likod bahay.     "Joss, tara at may pupuntahan tayo." Usap ko sa aking alaga na stallion.     Joss ang pangalan ng stallion na kabayo ko. Kulay puti ito at halos kasama ko na sa 2 taon na paninirahan ko.     Sinakyan ko ito at saka na nagtungo pahilaga. Kung saan makikita ang kulay kahel at tuyot na mga dahon mula sa na-ani ng palay. Malawak at kahali-halina sa aking paningin.   Malamig ang simoy kaya naka jacket ako. Kinse minutos din ang ginugol ko bago marating ang semi-cemented na bahay ni Albert kasama si Chini, asawa niya at kasalukuyan nasa ika-anim na buwan na ng kanyang pagbubuntis.     "Bert, yung listahan nga pala? Natapos mo na ba?" tanong ko habang pinapasok nila ako at tinimplahan ng mainit na kape.     Ngiting iniabot niya sa akin ang kailangan kong listahan.  Isa talaga si Bert sa mga taong maaasahan ko.   Nakakainggit yung ngiti niya kasi kontento na at parang wala ng hihigit pa roon. Ganun siguro ang pakiramdam ng magiging ama na sa wakas. Naging saksi ako sa love life ng dalawang iyan at masaya ako na bumuo na rin sila ng pangarap at pamilya na maglasama. Nakakainggit nga lang. Napapasanaol ako ng wala sa oras.     Sanaol.     "Salamat Peay at pasensya na sa abala, kailangan lang talaga ako sa check-up ng asawa ko," ani Albert sa akin.     "Wala iyon. Basta ba't ninong ako ni baby e. Ano nga pala ang kasarian?" tanong ko na may halong excitement sa tono.   "Lalaki raw."     "Kaya pala iba ang ngiti e, bulls-eye."       Nagmamalaki itong humagakgak. "Siyempre."     "Sige at lumalalim ng ang gabi, aalis na ako."     "Ingat Peay."           Agad na akong sumabak sa madilim na byahe, hawak ang headlight na nagsisilbing ilaw. Sa hindi kalayuan ay ang mataas na bangin, tinitingnan ko sa taas kung saan naroon ang kalsada… ng mukhang nawalan ng preno ang isang truck at saka nahulog sa bangin, agad kong pinuntahan ang lugar. Kabado ako at sanay ay ayos lang ang mga lulan.     Una kong tiningnan ang driver at ang kasama nito, pero sa paghawak ko sa palapulsuan nito ay tila wala na silang buhay.     Tiningnan ko ang loob ng truck na marahil sa pwersa nito ay kusang bumukas. May nakahigang lalaki doon na mukhang hindi ganoon napuruhan.     "Diyos ko po."       "I-I don't wanna die. H-Help me."     At saka siya nawalan ng tao.     Nilapitan ko ito. Nakagapos siya? Bakit siya nakagapos? Isa-salvage ba siya? At bakit tila pamilyar ang mukha niya?     Sa abot ng makakaya ko ay inalis ko siya doon, at pagkatapos nga ng ilang sandali ay sumabog ng tuluyan ang truck.   Isinakay ko ito sa kabayo at iniuwi ko siya.     'Di ko alam na sa gabing ito ay magbabago na ng tuluyan ang buhay ko...                                                                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD