Chapter 2

968 Words
    Chapter 2   SHOUT OUT   Peay Madrid     Kinse minuto ang lumipas, but it feels like forever. Ang lakas ng kabog sa dibdib ko. Ganito pala siguro ang pakiramdam ng isang medical staff na may bitbit na tao na nasa bingit ng kamatayan. Parang lalabas ang puso ko sa aking ribcage.     Nakarating ako sa bahay, hirap man dahil sa bigat ng lalaki- expectedly dahil sa tangkad niyang 6'1 laban sa akin na 5'5. Mukhang batak sa gym at lumaki sa prominenteng pamilya. Swerte mo naman boy at nailigtas kita.     Inilapag ko ito sa ekstra kong kama, gumawa ako ng maliit na silid kahiwalay noong akin sapagkat hilig din dumalaw ni Vanna rito. Alam mo naman ang babae na iyon. Feel at home ang bruha.     Hinubad ko ang duguan niyang damit. Harujusmiyo, yung abs po, opo, nagmamakaawa na tingnan ko lang. parang nagkasala ako ng ilang minute bago nag-iwas ng tingin.     And how dare me na gawin ito, na alam kong nasa bingit ng kamatayan yung tao!     Wala namang pinagkaiba lahat ng gwapo. Mga abno lahat sila at manloloko! May pinanghuhugutan ka ate ghorl?     Nilinis ko lahat ng sugat nito at pinalitan siya ng damit maliban sa underwear. Mabuti at dinugo ng kaunti ang ulo niya or else ay baka mamuo ang dugo rito. The rest ay mga minir injury lang pero para makasiguro ay tatawagan ko bukas papunta dito si tito Jules, family doctor ng mansyon sa kabilang ibayo.     Inaapoy ito ng lagnat kaya naman ay magdamag ko itong inalagaan. Ganitong ganito ako kay Van noon. Bakit ba? Naalala ko lang. share ko lang.     Lahat ay palaisipan pa rin para sa akin.     Sino siya at bakit mukhang pamilyar ang mukha niya?     Bakit siya nakagapos sa naaksidente na truck?   Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa tabi niya na naka-semi naka-upo at nakahiga position.     Nagising na lang ako ng makitang gising na rin siya, half awake actually at tila naga-adjust pa ang mata niya. Half sitting position siya at nakasandal ang likod sa dingding.     "Where I am and who are you?"     "I think wala ka sa lugar magtanong." Pagmamasungit ko. Aba! Ayaw ko ata ang pagka-matapobre sa boses niya.     "The f**k!?"     Pumintig ang sentido ko. Aba! Pumapalag 'to a. Hindi na ako magtataka kung may nagtangka sa buhay niya. Attitude?!     "Hoy! Huwag kang magmura rito ha. Para sa kaalaman mo ay nasa pamamahay kita. Hindi ako nagligtas ng buhay para lang makarinig ng masasakit na salita!"     Mukhang natahimik ito.     "O-Okay I-I'm sorry."     Masungit akong umismid. Naku, magtigil siya at nasa teritoryo ko siya. Baka- aynako! Pigilan nyo ako.     Tumayo na ako at saka nagmumog at hilamos, lakas gumawa ng pasabog convo ng walang ayos. Hindi katulad nung lalaking payabang na iyon. Natural na gwapo, morning person.     Inihanda ko na ang almusal. Nagluto ako ng sopas na nilagyan o sinahugan ng pitso ng manok. Specialty ko iyan!     Pakakainin ko na yung señorito. Sana ay hindi siya mapili sa pagkain at baka paliguan ko siya ng kumukulong sopas ano.     Kumukulo pa rin ang dugo ko. Naku!     Naku, parang hindi pinagnasaan kagabi.     Heee!     Gamit ang kahoy na tray ay dinalhan ko ito ng mainit-init na sopas at isang tasa ng herbal na gamot, may  kasama pang pandesal with keso. Huwag lang siyang magselan.     "Kain na senyor?" sarkastiko na aniko. Binigyan niya naman ako ng matalim na tingin.     "Do you have extra toothbrush? O kahit mouthwash man lang?"     Yamot akong bumalik sa tokador ko at kinuha yung malaking bote ng mouthwash. Masampal ko lang kay kuya niyo.     "Heto na po senyor. Ano pa po?"     "Tulungan mo akong tumayo."     Napakademanding! Kakagigil.     Tinulungan ko na siya. Baka sabihin pa nito ay hindi ako good samaritan, kahit na obvious na abusado ang tarantado.     Nang bumalik ulit siya sa hapag ay kuno't noo niyang tiningnan ang inihanda ko.     "Sopas? May patay ba?"     "Loko ka a! Ikaw na nga ang pinapalamon. Napaka choosy. Kung ayaw mo... Di huwag!"   Akmang aagawin ko ang tray ng pigilan niya ako, through stoping my arms.   Ang lambot ng kamay niya.     Nagkatinginan kami at saka ako umiwas.     "It will suffice. Thanks."     Iniwan ko na siya na namumula ang mukha ko.     Ghad Peay, bakla ka lang pero may pride at manners ka!       "Dito ka lang, magpahinga ka o umalis ka na kung gusto mo. Aalis muna ako."     Tiningnan niya ako ng nakataas pati kilay.   "Where are you going?"     Dora?     Chos.     "Tatawag ng doktor alangan. Malay ko ba at baka may mas malala pang nangyari sa iyo."     Nagtataka siyang nag-isip. "May doktor dito?"     "Siyempre, wala tayo aa Jupiter e," sarkastiko na sabi ko.     "Ha-ha." Pekeng tawa niya.     "Hindi ka ba natatakot na iwan ako rito?" tanong ulit niya. Daming tanong, kala mo estudyante!     "Mukha ka pang mas may luho sa akin. At ano namang nanakawin mo rito aber? Yung tukador ko? Sige na daming tanong at aalis muna ako. Kapag nagutom ka, may nilagang kamote riyan!"     Tumango siya at tipid na ngumiti.     "Hm, thanks."     Sakay si Joss ay pumunta na ako sa hacienda for my two agenda.     First, bibigay ko na yung monthly report ko, pangalawa para makita si Tito Jules na nasa kwadra din. Isa ring adik sa pagaalaga ng kabayo.     Matapos ko siyang mahanap at magpatulong ay saka na inasikaso si, ano nga ulit ang pangalan nun? Hays.     "Hijo, mukhang hindi ka ganon na napuruhan. May mga tamang makinarya ako sa mansyon, para matingnan ka pa. But, I recommend na magpahinga ka muna. Milagro ang nangyari sa iyo sa lahat ng na kwento mo."   "Thanks doc, for a second I think katapusan ko na talaga."     "Well, miracle happens. At hindi ako ang dapat mong pagpasalamatan ijo. Peay deserves your words."   Natahimim ang mokong at tinungnan ako. Pero imbes na magpasalamat ay umismid pa siya.     How darest!     "Thanks," aniya. Parang binili yung thank you niya! Ang mahal!   "Sige hijo, I have to go. Extrang ingat at hindi mo alam kung nasa paligid pa yung nagtangka sa buhay mo. Kawawa naman mga fans mo."     "Fans?" tanong ko.     "Fans. Artista iyan Peay, si Creid Lee."     "We?"     Masama akong tiningnan ng lalaking ito.     "SERYOSO? HINDI MO AKO KILALA?"     "SABING HUWAG MO AKONG SINISIGAWAN E!"                                                                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD