Chapter 6

1552 Words
Chapter 6 Knowing and Harvesting Peay Madrid "Bakla! Belated happy birthday sa iyo, utang muna regalo ko," ani ni Vanna sa kabilang linya. "Siguraduhin mo bakla a! Kapag umuwi ka rito ng walang regalo ay pakakainin kita ng pampers." Nandidiri niya akong tiningnan. "Ghad! Ano ba iyang bunganga na iyan bakla ka! Osiya, I have important meetings to attend, see ya and belated ulit! Wish you all the best!" "Hulaan ko iyang important meeting na iyan... Sa mall ba o sa SPA?" "Both. Haha. Ciao na bakla! Muwah!" The call ended kaya naman sinimulan ko ng bumaba mula sa bubong. Alangan! Wala naman kasignal-signal dito ng pang internet. Palaging h+. Gabi na at minabuti ko ng pumasok sa loob. Nandoon si Creid na nakaupo sa kahoy na upuan sa sala. "Ang tagal mo sa bubong!" "O. Edi sana sumama ka..." Umirap siya ng nakakalalaki. "Gutom na ako." "Wait lang sir a, magluluto muna ako pwede?" Iniwan ko siya na may busangot sa mukha. Ilang buwan na ba mula ng kinupkop ko yung ungas na iyon? Three months? Bilang lang ata yung pagkakataon na nagkasundo kami o mayroon kaming desente na pag-uusap. Ewan ko ba... Pero gustong-gusto namin ang isa't isa. Chareng. Gustong-gusto naming inisin ang isa't isa. Parang kapag walang asaran o bangayan na naman sa amin, parang hindi kompleto yung araw ko. Ewan ko lang sa kanya sir. Mapangasar siya, mas mapangasar ako, siya naman sobrang pikunin tapos ibang gumanti. Ginagamitan ako ng abs! And speaking of abs mga mare. Ang lakas kumain niyang si Creid, pero hindi ko nakitang naging bloated ang tiyan niya. Halata bang lagi kong tinitingnan? Bakla lang sensya na... Pwede mag sorry? So pumasok na ako sa kusina para ihanda ang hapunan. Sinimulan ko ng hiwain sa katamtamang laking mga piraso ang manok na native, at saka pinakuluan para may broth. Hiniwa ko na rin yung papaya na hilaw since walang sayo teh akong nabili kanina. Hinayaan ko munang painitin ang mantika. Iginisa ko na ang bawang at luya kaya naman amoy na amoy sa kusina ang bango ng mga ito. Nang tama na ang kulay ay iniligay ko na ang manok para medyo na-prito ito ng kaunti at lumabas yung natural flavor. Inilagay ko yung chicken broth, mga pampalasa like asin and such... Sunod ang gulay na papaya at dahon ng malunggay. Cook it on the medium heat flame about 15 minutes siguro. "Tagal naman niyan!" Reklamo ng isa, at halos mamula ang buong mukha at tenga ko. Ala na naman siyang damit! Harujusko. Pengeng kanin bess. Patawarin mo ako Vanna, tao lang may kahinaan pag dating sa mga tukso. Pera agad kong ginising ang sarili ko. Taray mode."Maghintay ka! Ano? Gusto mong kainin yung manok na hilaw?" "Ediwaw." Pansin ko rin sakanya na mas maayos na siya mag tagalog ngayon. Nakuha na rin niya iyon siguro kasi, hindi naman halos lahat ng tao rito sa lugar namin ay matalas mag-English. Ang nice lang kasi na siya ang nakapag-adjust. Hindi nga nagtagal ay iniayos ko na ang hapag. Inilagay ang malaking bowl ng mainit na tinola sa gitna at kanin. Nagtimpla rin ako ng buko juice. "Hay salamat! Makakakain na rin..." Aniya. "Kain ka na! Dami pang sinasabi." Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magtanong siya. "Anong trabaho mo rito sa hacienda?" "Farm Manager?" "E? Farm Manager? Akala ko simpleng helper ka lang." Inilapag ko muna ang spoon and fork ko. "Nakapagtapos ako sa RiverGale University with flying colors of Suma c*m Laude, I've taken a course related with agriculture..." "E ano naman ginagawa mo? Minsan nakikita kitang nagkukulong lang sa kwarto?" So interesado ka na sa akin Creid? Ganon. "Well, as a Farm Manager... Responsibilidad ko na ayusin ang finance ng farm budget, it is also my job to ensure the quality of livelihood stock and crops, analyzing the weather patterns-which has great implications in farming and such!" aniko, surprisingly ay mukhang mangha siya sa mga sinabi ko. " Seriously? I never thought you are doing some kind of job like that." Umirap ako." Siyempre! Never underestimate l***q+ community. We are not just bunches of stereotypes gays na may parlor lang- not like I am belittling those... What I mean is we are also doing better on different fields I myself and my friend are also gaining excellent job on their chosen career." Tumango siya. "Ako kasi tapos ng Fine Arts." "You are good at drawing?" Mangha na pagkakasabi ko. Ngumisi naman siya. "Technically yes. Pero hindi lang naman drawing ang limit ng isang Fine arts student." "E bakit ka nag-artista?" "Do you know that in Fine Arts... we learn fashion? Web designing, Make up art, music at iba pa na essential sa paga-artista? At saka isa pa, hindi naman paga-artista lang ang pinaka pangarap ko." "E ano?" "I dream of becoming an Architect. Pangalawng taon ko na sana sa RiverGale taking my second career course. You know that being an actor is not for life time career, that has hundred percent guarantee... Hindi habang buhay sikat at in demand" Wow! So we are actually studied on the same Alma matter? "Iyan kasi e nagloko-loko kapa..." "Yeah. The f**k it is... Pero pareho pala tayo ng University?" Tumango ako as a sign of saying yup. "Yeah... Nakipag sapalaran din ako sa Maynila... When I graduated, agad akong nakuha as a Soil Scientist sa isang firm na may direct contact sa Israel... But I resigned. Iba pa rin kapag nasa sarili kang lupang tinubuan." "What the?! You are also a Soil Scientist before?" "Yeah, I love exploring things within my expertise..." Sa katunayan ay apat kaming magkakaibigan noon, despite na iba-ibang course ang kinukuha namin at tanging sa minor subject lang kami nagkakilala. Yung isang friend ko ay nakapagtapos ng pre-med and malapit ng maging ganap na doctor, he is a genius dahil auper accelerated na ito... He is bisexual. Yung lesbian ko na kaibigan ay isa ng professional na lawyer, a highly paid lawyer. Happily wed sa isang Chemical Engineer na may-ari ng isang perfume company sa New york. Nakakatuwa lang na isipin na may mga nararating na rin kami kahit papaano. Ang sarap supalpalan noong mga taong umapi sa amin, way back on college. Yung iba na umapi sa amin, nasa kahirapan, maagang nakapag-asawa at mga losyang na! Kami fresh pa rin as usual. After ng kainan at iniligpit ang dapat. Minabuti ko na magtungo na sa higaan at tiningnan ang aking laptop para tingnan at i-proofread lahat ng ipapasa kong documents and reports. Bukas ay anihan na sa kanluran kung saan hecta-hektaryang lupain ng mga tanim na munggo ang aanihin. Nagsabay pati ang koprahan... Kaya kailangan ang tulong ko. Kinabukasan, a talas-sinco pa lang ay ginising ko na ang nahihimbing pa sa tulog na si Creid. "What the hell! It's too early!" "Tanghali na para sa masisipag? Ano ka? Haciendero? Bumangon ka na diyan at pupunta tayo sa kanluran! Madali!" Yamot na napapakamot sa ulo na tumayo siya. Sorry, no choice talaga siya. Pero proud ako dahil napapasunod ko na rin naman siya kahit papaano. Naalala ko last week ay tumulong siya sa tamang harvest ng mangga... Isipin niyo yung singkit na mata ni Creid ay nawala ng makatikim ng hilaw na native na mangga! Haha. Well, hindi ko naman siya pinapatulong sa bukid para sa wala. Binibigyan ko siya ng once in a life time experience 'no! At may sweldo rin siya. I think he is learning how to spend money more wisely now. Nagiging smart user na rin siya sa mga agricultural machinery, at tuwang-tuwa pa nga siya ng matuto itong mag-drive ng tractor. I just want to make him taste the life of being simple... Bagay na malayo sa kinagisnan niya. At least alam niya kung ano ang kahalagahaan ng bawat butil na isusubo niya, na pawis at hirap ng magsasaka ang ipinundar. So those person who mocks with this heroes, our farmers, are no right to eat their harvested crops! Hi Cynthia... Sinundo kami sa bahay gamit ang sasakyan na kuliglig, at pinakisuyo ko na lang si Joss sa kapitbahay namin kahit medyo malayo ang agwat. Hindi pa mainit ang araw at nagsimula na kami, medyo nahati ang work force since mayroon ding anihan na nagaganap sa koprahan, hindi kalayuan dito. More on babae ang narito and the man's strength is much needed on coconut plantation. Kasi kung hindi pagsasabayin ang anihan ay masisira ang ibang bunga that'll leave into a great lost of income. Mabuti at sinisipag na rin kami na mag-ani ng munggo. Lalo na at in demand sa merkado ang munggo, nagkakahalaga ng 75-80 pesos per kilo. Expected na triple o higit pa ang makukuha na sasapat para mayroon pang bonus sa mga manggagawa. "Ang sakit ng likod ko..." inda ni Creid while massaging his back. Never imagine this model actor to harvest crops and still look dazzling as ever. Namumula lang siya sa init, hindi nangingitim. "Malapit na rin matapos ano ka ba," aniko. He just hiss at akmang tatayo na ng ma-out of balance ito. I tried to help him, pero ang masama ay sa akin pa siya na-fall. Damn... Hindi ko pa siya nahalikan. Sayang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD