Chapter 7
Sa Manggahan mga Bess.
Peay Madrid
April 5, maalinsangan ang panahon kaya naman nakakatamad mang bumangon ay talagang no choice ka beh.
Hindi na kami nagkape at saka na pumunta sa manggahan, may mga late na kasing nahinog doon na ngayon palang aanihin.
"Talaga?! Magpipitas na naman tayo ng mangga?" Halatang excited siya 'no?
"Paulit-ulit tayo Creid?" Siyempre matik na yung pagka pilosopo Tasyo ko.
"Whatever..."
So dinaanan ulit kami gamit ang sasakyang pogpog, matapos noon ay ginabay namin ang mabukid na daan hanggang sa makita namin ang hekta-hektaryang taniman ng mangga.
Ine-export ito sa Japan at Korea, at binibili ng mga sikat na company roon. We always see to it na talagang with excellent quality ang mga harvested fruits.
We minimized the intake of chemicals and rather we use traditional and effective natural way para ma-accomplish namin ang ganitong kagandang ani.
At exactly 10 in the morning ay agad na kaming nakarating doon. Men are already on the near top of the trees.
At ang unggoy na kasama ko ay agad na nakisali sa pag-akyat sa mga puno.
Pumunta muna ako sa isang banda kung saan nakalagay ang mga fruits at sinu-suri isa-isa para matingnan ang kalagayan.
"Manang Alice, kamusta po? Ang ani po ba?"
May kaliitan ang senior citizen na babae, she have her beautiful morena complexion at halata ang kagandahan niya kahit na lumipas na ang panahon.
She is smiling, of course! Lahat naman ng taong palangiti ay laging maganda. True?
"Ayos naman ako apo at malakas pa rin. Yung mga ani naman ngayon ay mas matamis kaysa sa nakaraan, maganda ang complexion ng balat at ng prutas mismo na tiyak na magbibigay ng mas magandang lasa at life span ng prutas."
Tumango ako. "Mabuti naman po pala at hindi nasayang yung pagre-research po natin sa mga bagong ways ng pagkuha ng pataba at pang-alis ng mga peste."
Kumuha ako ng mangga at saka ito binalatan. Tinikman at agad na sumabog sa dila ko ang masarap, may katamisan at refreshing na lasa ng prutas. Heaven!
Matapos no'n ay agad kong binalikan ang unggoy at baka kung anong ka-engotan na naman ang gawin no'n, alam niyo na.
Napataas ako ng kaliwang kilay ng makita ko siya na kasama ang isang pamilyar na inpakta.
Anong ginagawa ni Donita rito? Ang ganda niya ha? Ganda niyang ibaon sa hacienda at gawing pampataba ng lupa!
Ang bruha may pahagikgik pa na pinupunasan ang pawis ni Creid... At gustong-gusto naman nung isa!
At isa pa, ano ba ang pinuputok ng butsi ko? You jealous?
Noways! No! Ghad please no!
Tumalikod na ako, I tried to get myself back. Hindi ka gaganyan friend... Hindi mo siya kaano-ano para makaramdam ka ng ganyan.
Naalala ko tuloy ang first and maybe my greatest love dito sa Hacienda Salvacion.
Trievan Salvacion... He is physically perfect. Naalala ko pa nga yung una naming beses na pagkikita...
I am 10 years old that time at naglalaro sa bukirin, hilig ko noon ay ang tingnan ang malawak na palayan at tingnan ang kalangitan. Madalas ay hawak ang saranggola ko sa tuwing malakas ang hangin.
Normal na araw iyon at balak kong magpalipad ng saranggola muli. Wala namang pasok sa paaralan sapagkat bakasyon na.
Taka kong tiningnan ang isang lalaki na siguro ay binata na no'n. Hanggang dibdib niya lang siguro ako, at talagang ang gwapo niya!
Maputi ito at may brown na mata, mahaba ang pilik mata at halata ang Spanish blood na mayroon ito.
Kaso nakita ko siyang hinuhuli ang mga kawawa at makukulay na tutubi. Agad ko itong nilapitan na may simangot sa mukha!
"Hoy! Bitawan mo iyan..." inis na turan ko.
"What?"
"Ang sabi ko. Bitawan mo yan e! Binge!"
Humalukipkip ito habang malalim ang titig niya sa akin.
"Who are you to command me?" Mapaglaro ang ngiti niya.
Suminghal ako bago ipinagkrus ang mga braso.
"My name is Peay Madrid, isa akong tagapagbantay ng kalikasan at wala kang karapatan na tanggalan ng kalayaan ang mga kawawang tutubi 'no!"
"If pakakawalan ko ba yung mga tutubi.. Magiging friends na tayo? I am just doing this because I have no playmates." Bata pa pala siya, 11 years old. Malaki lang ang bulas niya.
Kunwari ay nag-isip pa ako. "Osige, pero pramis mo a! Pinky pramis!?"
"Pinky pramis."
Magmula noon ay naging sanggang dikit na kami. Madalas ay binibiro kami na magjowa ba kami ganern.
Hindi nila alam tama naman talaga yung hula nila.
Kaso secret lovers lang kami. We both agreed na closet lang yung relationship na mayroon kami.
Unang-una kasi, we are both men, and people at that time aren't in favor with this odds. Pangalawa ay yung status namin. Sure! Don and Donya Salvacion are kind hoomans, pero lahat naman ng kindness may limit.
At wala akong balak sagarin iyon. At hindi ko muna i-spoil kung bakit kami nag-break. Saka na!
Back to reality ay lumipas pa ang isang oras na parang ang main na trabaho lang ni Donita ay ang mangati sa tabi ni Creid.
Pigilan niyo ako guys, at talagang mapapasama iyang babae na iyan! Pasalamat siya at napaka-bait ng mga magulang nito!
Napailing na lang ako at saka sila sinabihan.
"Maya na iyang ligawan niyo pwede? May trabaho pa. Kailangan na after ng araw na ito ay makumpleto na ang ani."
Mataray na umirap ang babae... Aba! Baka gusto nitong maligo sa bathtub ng mga antik!
"Insecure ka na naman bakla! Pwede bang doon ka na lang at huwag kaming istorbohin?" Matigas talaga ang mukha ng babaeng ito. Wait lang pakikitaan ko siya mamaya.
"Hindi ka pinapa-sweldo ng hacienda para maghanap ka ng makakalantari mo. So better work your ass now or else."
Nilapitan niya ako at saka itinulak kaya napa-atras ako. Mukhang gulat din si Creid at akmang aawatin niya kami ng pinukulan ko siya ng masamang tingin.
Brad, huwag mong tatangkain! Hindi pa ako nakakaganti.
" Ano bang pinagmamalaki mo? Ang diploma mo? Ang mataas na posisyon mo rito? Nasa posisyon ka lang kasi natikman mo na si Sir Van! Malanding bakla."
"Alam mo ba ang pinagkaiba nating dalawa Donita? Hindi yun yung diploma... Magkaiba tayo kasi obvious naman na ako may class- ikaw, wala! Okay lang kalantariin mo iyang katabi mo, pareho lang maman kayong ganon. Pero yung I-disrespect mo ako, bigyan ng masamang akusasyon at sayangin yung resources ng hacienda.
I won't tolerate such lewd act.
So, tinatanggalan na kita ng trabaho rito."
Nanlaki ang mata niya sa galit. " HINDI MO PWEDENG GAWIN IYAN!"
Inawat na siya ng ibang mga manggagawa.
" Hindi pa tayo tapos bakla."
Suminghal ako at saka nagcross arms. "Talaga ba? PERIOD. Ayan tapos na."
Bumalik na ako sa trabaho at nilapitan ako ni Creid.
"Palaban ka talaga."
Nagsalita ako na hindi pinupukulan siya ng atensyon at nakatingin lang ako sa hawak kong folder.
"Kung hindi ka lalaban, hindi ka mananalo sa laban. I know my stand and worth."
Hindi na siya umimik at saka na kami nagpatuloy sa trabaho.
Mabuti at kahit na sumama na ang panahon ay natapos na ang anihan, at habang ang ibang manggagawa ay pauwi na...
"Creid, mauna ka ng umuwi. Ito yung susi ng bahay at may pupuntahan lang ako."
Kumunot ang noo niya.
"Paano ka uuwi? Ang sama na ng panahon may oras ka pang gumala"
Umirap ako. Taray ko talaga 'mo?
"Matanda na ako boy... Alam ko ang ginagawa ko. Sige na!"
Tumalikod na ako at saka pumasok sa mas malawak at masukal na kakahuyan. Hindi nga nagtagal ay nakita ko na yung malaking treehouse na malapit sa waterfalls.
Yung secret love nest namin ni Van. Buwan-buwan ay pumupunta ako rito para I-maintain yung kagandahan nito.
Ang dami pa naman naming memories dito.
Nagulat naman na ako ng malakas na pumatak ang malalaking patak ng ulan.
"s**t! Umuwi na tayo bakla!"
Nagulat naman ako ng makitang nasa likod ko pa pala si Creid! Ang tigas talaga ng ulo mo Creid... Patikim nga!
Chareng... Hindi tayo gaganon.
Napailing na lang ako saka siya hinila paakyat ng treehouse.
Nang makapasok kami ay sakto lang kami halos. Binigyan ko siya ng malinis na kumot at pinaghubad ko siya ng damit.
Walang malisya tol. Genern.
Pero ang sherep telege e.
Tiningnan niya ang buong lugar hanggang sa mapadako ang tingin niya sa mga larawan na nakadikit sa pader ng munti naming treehouse.
"Sino siya?"
Matagal na minuto bago ako sumagot.
Hays.
Malungkot akong napatulala.
"Ex ko."