Chapter 4

1413 Words
Chapter 4 Puting ilaw at Uwak Creid Lee Morning starts. Matagal-tagal na rin kung titingnan ang paglalagi ko rito. I am no longer waking on a luxurious bed, facing my social media account every morning and thinking with my busy sched. Basta ang hinaharap ko na lang ay yung dragonang bakla na mukhang babaeng may ari nitong bahay na ito. I admit that without his help. I should be a sorry ass. Matagal na akong binunot na parang damo ng mga kupal na sindikato na iyon. Usual routine, I am always on my personal hygiene every morning. Then brewing coffee from over cooked raw rice grain- that's unusually delicious. That gay have some tricks on his sleeves. While drinking my coffee ay lumaoit6 siya sa akin. I want to laugh because he can't actually stare with me... As usual. Lalo na at kapag half naked lang ako at naka boxer. Madalas ay tinatadyakan niya ako at sinasabihin na. "Hoy depunggal! Magbibihis ka o masasaktan?!" Pero nasasanay na ako sa pagiging palengkera niya. Walang TV dito pero ang sarap niyang mang-entertain. Gustong-gusto ko na bumubulusok ito sa galit. Kinuha yung biniling cellphone na outdated ni Baks 'Peay', para matawagan ko ang manager ko. " Yow, balita?" Narinig ko ang malutong na mura ni Cindi sa kabilang linya. "What the hell... Isang linggo kang hindi naga-update ng kalagayan mo sa akin Creid! Parang tanga 'to! Hindi ka rin ma-reach ng pamilya mo. They are bugging the hell of me." "Nakabakasyon ako." Sinabi ko na lang sa kanya. "Mabuti naman at mukhang ayos ka lang diyan ulupong ka. Naglalalabas ka ba diyan?" "Hindi." She sighed. "Better! Ikaw kasing bayag ka! Sa dinami-dami ng pwedeng mong kantiin ay anak pa ng malaking sindikato! Now your career and life is at stake! Imagine! Napaka-swerte mo bui." Napaka sarcastic naman manager. "Nakakabingi ka na Cindi." "DAPAT LANG! MABINGI KA NG KUNG MABINGI HUWAG KA LANG MAMATAY DYAN SA KATIGASAN NG ULO MO, at isa pa! Ayusin mo ang pakikitungo mo diyan. Baka nagbubuhay prinsipe ka? Imagine napaka-swerte mo diyan sa taong kumupkop sa iyo. He has influence with the highest paid agent, at sinusubukan na nilang patumbahin ang sindikato." "Hindi ako nagbubuhay prinsipe rito Cindi. Basta tatawag na lang ako." Binabaan ko na lang siya. Ang sakit sa tenga ng bibig. Nang lumabas ako ay nakita ko na masinsinang kinakausap ni Peay ang pinsan niya na isang secret agent, si kuya Zeek. Close na kami niyan. "Legit ba?" tanong ni Peay. "Wala na silang control sa Pilipinas. Sa Thailand na kami kung saan ang sentro nila." "Kuya! Alis na kayo?" Nilapitan ako nito. Mukhang Spanish si kuya Zeek, hindi nagkakalayo ang laki ng katawan namin. Macho. "Yup. Free ka nang umalis-alis pero with hacienda at certain parameter lang pre. May mga agent ako na nakakalat dito just in case. Ingat na lang kayo. Isang buwan at tapos na lahat ito." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Umalis na si kuya Zeek at naiwan na kami ni baklang dragon. " Oh? Tinatayo-tayo mo diyan! Sasama ka sakin. Magbihis ka." Mataray at matalim pa rin ang dila nito. " What? Inuutusan mo ako." "Hindi. Yung bibe ang inuutusan ko ser. Tara na at magbihis ka na. Akala mo macho, parang nauupos na posporo lang naman." Aba't. "Sinong posporo? Hindi mo ba nakikita ang abs ko? Itong biceps ko?" At saka ako nag-flex. Napangisi na lang ako ng makita ko ang namumula niyang mukha. "Palakas ka na naman. Ang sabi ko magbihis ka at saka na tayo lumakad. Haynako. Simpleng instruction!" Ewan ko ba at kung bakit ko sinusunod itong bakla na ito. Napakadaldal at mabunganga. I start walking to my own room here. It's neither spacious nor grand. Simple lang lahat at halos gawa sa mga wooden materials. May damit din ako dito pero iilan lang. Mga binili ni baklang dragon ng nakakagawi siya sa bayan. And f**k, he doesn't have any sense of style! Sinabi ko talaga yun sa kanya. Pero ang sinabi. 'Ang kapal naman ng gulugud mo! Binilhan na kita, naghahangad ka pa?! Gusto mo ng branded?! Pwes huwag kang kumain.' That gay. Walang kasing taray, parang hindi man lang niya ako nakikitang kanasanasa. Not like gusto kong pagnasaan niya ako... Other gay when I am still on the studio. Kapag pinapakitaan ako ng motibo. Binibigyan ko sila ng leksyon. Nakakadiri sila. But I find Peay so different from them. Set aside his physique, na mukha talaga siyang babae... He is also kind hearted at isang fighter. He is also good at cooking. Madiskarte rin siya, sayang at hindi pa siya naging babae. Nang makapagbihis ako ay isinakay niya ako sa kabayo niya. Damn, I'm so envious because he know how to ride this horse. Nakarating kami sa isang plantasyon. Ang daming wood like plants dito na hindi ko alam ang pangalan. "Peay! Buti nakapunta ka." "Magdadala lang ho ng pagkain niyo Kuya Mario." He brings food on Tupperware na hawak niya. May luto itong mga ulam at may kanya-kanyang baon ang mga magsasaka rin. Parang nagtatanghalian na ang lahat at hindi ko alam pero siguro... This is what simplicity means? I don't think being farmer is the poorest job in this country. Mayaman sila sa mga bagay na hindi mahahanap sa syudad. Their laugh is so contagious. Nakakahawa ang ngiti nila. Kanya kanyang baon na biro. "Kuya kain ka pa," sabi ng isang batang lalaki sa akin. Damn ang cute naman nito. "Sige," aniko. Sugarcane pala ang mga narito at harvest season na pala. Nilapitan ako ni manong Mario matapos akong tumulong sa pagbubuhat. Para na rin akong nag gym! Hawak si manong Mario na isang bamboo like thing, sugarcane. Binalatan niya ito gamit ang itak at ibinigay sa akin. "Tikman mo Sir, masarap yan." "Hala Manong, huwag niyo na po akong tawagin Sir. Paano po ba kainin yan?" He demonstrate how to eat that sugarcane. Kakagatin ito at saka ngunguyain. After the mild sweetness of the juice extracted from the mouth ay itatapon na yung excess na kahoy. Parang chewing gum lang. Nakakangalay nga lang but it taste fine, matapos noon ay iginala nila ako sa isang ilog na sagana sa mga isda at iba pang yamang tubig. We even swim with the fresh and cold water from the river. Kasama ko ang mga iilang binata habang nasa tabi naman ang mga kababaihan at iba pang matatanda na kapwa nagluluto. They invited me for the small feast they prepared. Mayroon din inuman! Sakto at parang nanunuyo na lalamunan ko. Alak na alak na. Matapos kaming umahon ay naghihintay na si Peay sa akin na may bored na tingin. He handed me a towel and clothes. "Magbihis ka na roon sa kubo. Baka lagnatin ka pa at maging alagain." Napakasungit. "Sus! Concerned." He mockingly laughed. "Umaasa ka na naman sa wala. Hay ewan. Haha!" Naiinis akong umalis. Hindi talaga siya marunong mag patalo. Bungangera, talakera! Mabuti at hinila na nila ako Popoy at Jomar para makipag-inuman na. Inilabas nila ang pinaka-masarap nilang alak which is the tuba. Masarap pala ito at iba ang hagod. Never tasted one, pero masarap pala. Kanya-kanyang tagay sana kaso ginawa akong tanggero. Umupo sa tabi ko si baklang dragon. May hawak itong plato na may napritong sugpong ilog. "Kumain ka. Hindi yung puro ka toma tapos ako na naman mahihirapan sa iyo sa pag-uwi." He looks concerned with me, but he choose to mask it with his retorts. I find it cute, o nalalasing na lang talaga ako? "Sus. Akin na nga!" Tinikman ko yung sugpo at talagang wow sa lasa. The salt and milky coconut flavor lingers on my tongue surprisingly. Kinuha na ni Jomar ang gitara niya. "Tayo ay magkakantahan magdamag!" "Yoohoo!" "Yon sana pare!" He started strumming the guitar. And because the tune is so familiar, ay ako na ang umagaw sa unang linya. "Ako sa'yo, ikaw ay akin..." diretso kong tiningnan si Peay na ngayon ay hindi alam kung saan ibabaling ang tingin. "MAY BAGONG MAGSING IROG NA NAMAN!" "SANAOL!" "KELEG KELEG NAMAN MGA ERP." Napapailing na lang ako bago sumabay sa kanta. "Sa ilalim ng puting ilaw... Sa dilaw na buwan!" Kinuha ko ang kamay ni Peay. He tried to decline but I insisted. Isinayaw ko siya sa ilalim ng puting buwan bago. "Uwakkkk..." "Hahahahaha!" Hindi ko na alam ginagawa ko. Lakas nang alak. "TARANTADO KA CREID! ANAK KA NG UWAK!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD