7

2473 Words
Bumalik si Ricky mula sa pag-iikot nya nang bandang alas singko ng umaga mula sa pag-oobserba nya. Hindi na nya namalayan na nakatulog sya. Nagising si Ricky na pawis na pawis at hinihingal. Nasa gilid ng higaan nya may hawak na isang basong tubig si Ren.   "Drink up!" utos ni Ren kay Ricky.   "Same nightmares?" tanong nito.   "Kuya Ren? What are you doing here?" tanong ni Ricky pagkalagok ng tubig.   "Sagutin mo muna tanong ko, Ricky," inip na utos ni Ren na tumayo sa hamba ng pinto ng kwarto nakatiklop sa harap ng dibdib nya ang braso nya.   Tumango si Ricky. Alam nyang ang seryosong utos ni Ren na yun ay may halong pag-aalala.   "Yes po. Medyo malinaw na po ang detalye. Dugo at maraming katawan na nakakalat. Nasa gitna po ako ng lahat. Hindi ko maintindihan... may humahabol po sa akin. Hindi ko alam kung sino basta balak nya akong saktan. May tumatawag sa pangalan ko ng paulit-ulit, umiiyak, humihingi nang tulong," ani Ricky na yumuko, tumutulo ang luha.   Lumapit si Ren sa higaan ni Ricky at niyakap ito.   "Huwag ka ma-frustrate. Your memories will comeback in the right time," alo ni Ren.   "I'm sorry kung hindi na ako nakapagpaalam sa'yo noong isang araw. Nasa briefing ka pa noon kaya hindi ko na kayo inabala. I went here as soon as I can when I heard of the news sa Pub Republic at ang nangyari sa'yo during transport," wika ni Ren.   "Sorry for making you worry. I don't really know what happened last night. Sorry Sir," sabi ni Ricky na umiiyak pa rin.   "Pick yourself up before dumating yung dalawa. Inutusan ko kasi na magpa-reserve ng breakfast sa coffee shop sa kanto. Ayusin mo na ang sarili mo," ani Ren,"Naikwento nung dalawa yung encounter nyo kahapon ni Madam Anne. Gusto kitang samahang magtanong."   Bumangon si Ricky binuksan ang messenger bag nya kung nasaan ang extra nyang damit para makapaligo na sya at dumiretso sa banyo. After ilang minuto lumabas si Ricky nakapagpalit na ng damit at nakasuklay na. Nasa kusina naman noon si Ren umiinom ng kape kausap ang dalawa.   "Magandang umaga, Mike, Drew," bati ni Ricky na nakangiti.   "Good morning!" tugon ng dalawa.   "Madaya kayo. Hindi nyo ako ginising, dumating na pala si Kuya," asar na wika ni Ricky.   "Ayaw ka nya pagising kanina," katwiran ni Drew na nakangiti.   "Dumating ako katutulog mo lang daw. Sinabihan ko na sila na 'wag ka na muna istorbohin. Mukhang pagod na pagod ka kasi ng sumilip ako kanina," pagtatanggol ni Ren sa dalawa.   "Kayo talaga," ani Ricky.   "May info nga pala ako sa target natin. He will be meeting you later sa Honeyville Inn. Ask the receptionist for a room with the mountain view," wika ni Ren.   Hindi sinasadyang nasagi ni Drew ang kaliwang braso ni Ren.   "Sorry Kuya," wika ni Drew.   Napangiwi si Ren at kaagad na hinawakan ang kaliwang braso nya.   "Ok lang," sagot ni Ren kahit masakit pa rin.   Napansin ni Ricky na nagbago ang kulay ng manggas ng jacket ni Ren.   "Drew pakikuha ang first aid kit mo. Kuya, anong nangyari dyan?" tanong ni Ricky.   Sumunod si Drew at pumasok sa kwarto. Pagbalik nya dala nya ang first aid kit mula sa gamit nya.   "Wala ito," depensa ni Ren.   "Kuya pakihubad po ang jacket mo," wika ni Ricky.   "Huwag na makulit, Kuya,"  ani Mike na hinatak ang jacket ni Ren.   Dahan-dahan tinanggal ni Ren ang jacket nya. Isang sugat na may bendang duguan ang nakita ng tatlo.   "Kuya!" nabahalang wika ni Drew na kaagad binuksan ang first aid kit.   Nilinis ni Drew ang sugat ni Ren, ginamot at binendahan.   "Nagkaroon ako ng encounter kagabi with some Greems while on the way here. Medyo marami na sila rito at mukhang natunugan nila na on transit ang Prinsesa. Nasa Harmony Valley na sya as of last kong communication sa kanila," paliwanag ni Ren.   "You don't have to risk your life para makita ako, Kuya. Muntik ka na doon," sabi ni Ricky na may halos inis at galit sa boses.   "Huwag mo na sya sisihin kasi kung ako nasa lagay nya ay ganun din gagawin ko," depensa ni Mike na tumingin kay Ricky.   "All done. Pahinga mo lang ang braso mo Kuya. Hindi mo na magagamit yung jacket mo," wika ni Drew.   "Use mine," alok ni Ricky na inabot ang jacket nya.   "Ligpitin ko lang ito at maghuhugas ng kamay," ani Drew na niligpit ang mga duguang gasa. Binalot sa isang paper bag at inilagay sa basurahan.   Naghugas sya nang kamay at inilagay ulet ang first aid kit sa gamit nya.   Nagcheck-out sina Ricky sa hostel. Dumiretso sila sa coffee shop ni Madam Anne. Pagpasok na pagpasok nila ay binati sila ng isang waitress.   "Good morning!" anang waitress na nanlaki ang mata sa tuwa at naiiyak.   May nakita si Ricky na mga flashes ng mga alaala na sa sobrang overwhelming ay na-disorient sya. Nakaramdam si Ricky ng kirot ng ulo nya kaya napahawak sya sa noo nya.   "Ricky?!" anang waitress na niyakap si Ricky na nagulat.   Kumalas din ito kaagad na maluha-luha.   "Nariyan ba si Madam Anne? May appointment kami sa kanya," tanong ni Ren.   "Pasok kayo. Nasa Sunroom sya, doon na rin po dadalhin ang breakfast nyo," anang babae na yumakap kay Ricky.   "Sumunod kayo sa akin," anang waitress.   Habang papunta sa Sun Room, sinabayan ni Ren si Ricky.   "Are you ok?" bulong ni Ren.   Tumango lang si Ricky pero hindi sumagot halatang nalilito at gulat pa rin. Papasok pa lang sila nang marinig ang usapan ng Madam Anne at waitress.   "Tita, bumalik na si Ricky," anang waitress na tuwang-tuwa.   "Papasukin mo na sila at sabihan ang kusina na maghanda ng agahan para sa mga bisita," mahinahong utos ng matanda.   Pagbalik sa grupo ng waitress,   "Dito kayo," anang waitress.   Pagpasok nila sa Sun Room naramdaman nya ang palagay na pakiramdam sa lugar na iyon -ang aroma, ang ambiance ng lugar kaya nakaramdam uli sya ng kirot ng ulo si Ricky. Napahawak si Ricky sa balikat ni Mike para sa suporta.   Nakita nya ang sarili na may kausap na mga kasing edad nya, nakikipagtawanan, nakikipagbiruan. Nakita rin nya ang mukha ng waitress pati na ang matandang babae.   Lumapit ang grupo sa lamesa ng matandang babae.   "Sige na Bonnie, bumalik ka na sa kusina. Salamat," anang matanda.   "Magandang umaga po, Madam Anne," bati ni Ren sa matandang babae at hinalikan ang kamay nito bilang paggalang.   "Ako po si Ren dela Cruz, sila po ang kasama ko sina Mike at Drew," magalang na pakilala ni Ren.   "Maupo kayo boys. Are you ok Ricky? You look pale," puna ni Madam Anne. Naupo ang apat.   "I'm ok, Ma'am. Thank you for the medicine last night and the concern," sagot ni Ricky na ngumiti.   "I know you have many questions in your mind. I also have questions that I need answers," wika ni Madam Anne.   "Gusto po sana naming malaman kung bakit nyo kilala si Ricky?" simula ni Ren.   "He is a personal friend of ours. Can you not remember?" takang tanong ni Madam Anne.   "I'm sorry Ma'am. I can't," sagot ni Ricky.   Dumating ang dalawang waitress tulak ang dalawang cart. Inihain ng mga waitress ang pagkain sa lamesa.   "Eat up first boys before we continue to talk. This breakfast is on the house," nakangiting wika ng matandang babae.   "Napakarami naman po nito. Salamat po sa agahan," magalang na wika ni Ren.   "Ang sarap naman po ng pancakes. Parang natikman ko na po ito dati," sambit ni Ricky habang kumakain.   "Try mo ito. Alam kong pabarito mo ito," alok ni Madam Anne na inialok ang apple pie.   Kumuha si Ricky ng isang slice at tinikman.   "Paano nyo po nalaman na paborito ko ito?" tanong ni Ricky na gulat.   Napatingin ang tatlo kay Madam Anne.   "Madalas ka ditong kumain nyan. Yan ang specialty ni Nana Marta dito sa Cakehouse. Natitikman lang yan dito kapag may special occasion. Inilabas yan ni Nana Marta ngayon para lang sa'yo, Ricky. Tuwang-tuwa sya nang makita ka nya kanina sa shop," paliwanag ni Bonnie.   "Hindi ko maalala. I'm sorry pero hindi ko po alam ang sinasabi nyo," ani Ricky na nakonsensya.   "Mabuti pa kaya, Bonnie ipakilala mo sila kay Nana Marta sa kusina para matikman nila ang ibang specialty natin," anang matandang babae.   Tumingin ang tatlo kay Ren humihingi ng instruction.   "Sige boys. Sumama na kayo. Magpasalamat kayo sa masarap na agahan," payag ni Ren.   Pagkalabas ng apat.   "Cakes at dessert ang specialty namin dito sa Cakehouse. Dinadayo rin ang agahan dito. Isa ito sa pinakapaboritong lugar ni Ricky noon," simula ni Madame Anne.   "Pasensya na po kasi naaksidente po si Ricky halos isang taon na ang nakakaraan. Nakaligtas sya, pero noong magising sya ay wala po syang maalala sa nakaraan nya," paliwanag ni Ren.   "I'm sorry to hear that. Now I understand. Taga-Delta, Sentro ang batang iyan base sa kwento nya. Dito sya tumitigil tuwing summer school bago sya nawala one year ago. Masaya at magiliw ang batang yan. Marami syang kaibigan. Dumadalaw sya every other week dito. Sa University of Vale sya noon nag-aaral. Days before sya nawala, dumalaw sya dito sa mga kaibigan nya. Nakapagtataka na may kasama sya noon pero sinabihan nya na maiwan muna sya sa sasakyan. Masaya ang pinakita nya sa mga kasama nya noon pero mapapansin mo ang lungkot sa mata nya na pilit nyang tinatago. Hindi rin sya nagtagal. Ang paalam nya ay hindi muna sya makakadalaw for a month. After ilang days, inatake ng mga masasamang Greems ang Sentro at nagkaroon ng kaguluhan. Halos mawasak ang Sentro noon, maraming namatay at nasaktan lalo na sa lugar kung saan sila nakatira. Umasa kami na nakaligtas sya pero walang dumalaw. May balitang nasaktan sya at nawawala noon kaya nagdasal kami na sana ay nakaligtas sya. Matutuwa ang mga kaibigan nya na malaman na nakabalik na sya," kwento ni Madam Anne.   Nakita nila sina Ricky, Drew at Mike, Bonnie na may kahabulang batang lalake sa garden ng coffee shop. Nagtatawanan ang mga ito at nagbibiruan. Napansin ni Ren na humawak si Ricky sa ulo nya pero ayaw nyang ipahalata sa mga kasama nya. Napatayo na si Ren noon pero ayaw nyang ipahalata sa matandang babae ang pag-aalala nya.   "Ang batang lalaking kasama nina Ricky ang unang nalungkot nang mawala sya. Ilang araw sya iyak ng iyak," anang matanda.   Ilang saglit pa ay tuluyan ng sumakit ang ulo ni Ricky. Lumapit una ang batang lalaki na kalaro nya. Napaupo sya na kaagad nilapitan ng mga kasama nya. Napatayo at napatakbo sina Ren at ang matandang babae sa garden.   "Ricky! Ricky!" tawag ni Bonnie.   Nakalapit na si Madam Anne at si Ren kay Ricky.   "Kuya anong nangyayari sa'yo? Ok ka lang?" anang bata.   Pilit nilalabanan ang sakit na nararamdaman kaya nagsalita si Ricky.   "I'm ok," mahinahong wika ni Ricky.   Nagsalita ang bata sa local language nila tinatanong si Ricky. Sumagot si Ricky sa local language. Tumango ang bata at umalis papunta sa kusina.   Tumingin na nagtatanong si Mike kay Ren.   "Sinabihan nya na ikuha sya ng tubig sa kusina at itanong kay Nana Marta kung may natira pang apple pie," paliwanag ni Ren lay Mike.   "Drew yung gamot ni Ricky," utos ni Ren.   "Nakakalimutan mo nang inumin ang gamot mo," sabi ni Mike na napapailing.   Dinukot ni Drew ang gamot ni Ricky sa bulsa ng jacket nya at inabot kay Ricky. Isinubo ni Ricky ito at nilulon. Maya-maya ay bumalik ang bata dala ang tubig na inabot nito kay Ricky. Tinanggap ni Ricky ang tubig at ininom. Nagsalita si Ricky sa batang lalaki sa local language at ginulo-gulo ang buhok nya.   "Pumasok muna tayo sa loob. You should rest. Bert, pakikuha nga yung bag ko ng gamot sa cabinet sa office ko. Pakisamahan sya Bonnie," utos ni Madam Anne.   "Yes Tita," sunod naman ni Bonnie. Inabot ni Drew ang kamay nya kay Ricky para ibangon ito. Inabot naman ni Ricky ang kamay nya at nagpahatak patayo. Medyo out of balance pa sya kaya inalalayan sya ni Ren. Pagpasok sa Sunroom ay pinaupo kaagad si Ricky sa.upuan.   "Relax ka lang," malumanay na wika ni Madam Anne na pumuwesto sa likod ng upuan ni Ricky at minasahe ang ulo nito.   Nabigla si Ricky sa ginawa ng matanda.   "Madalas daw sumasakit ang ulo mo?" tanong ng matanda.   "Hindi naman po. Pasumpong-sumpong lang po," sagot ni Ricky.   Pagbalik nina Bert at Bonnie, inabot kaagad ang lagayan ng gamot. Nagsalin sya ng kaunting gamot sa kamay nya at itinuloy ang pagmasahe sa ulo ni Ricky pati sa balikat nito.   "Masyado kang tensyonado, Ricky," ani Madam Anne.   "H- hindi naman po," tugon ni Ricky.   "Hindi ka pa rin nagbabago. Hindi ka magaling magsinungaling Ricky," natatawang banggit ni Madam Anne.   "Kilalang-kilala nyo nga ang taong yan," bulalas ni Mike.   Namula si Ricky sa hiya. Natawa naman sina Ren, Drew at lahat ng nakakita sa nangyari. Nang matapos ang masahe halos makatulog sya.   "Relax," anang matandang babae.   "Eto ang para sa sugat mo para hindi maimpeksyon at gumaling agad," abot ni Madam Anne ng  ointment kay Ren.   "Paano nyo nalaman?" manghang tanong ni Ren.   "Dating sundalo ang aking asawa. Napaka-stiff ng kaliwang balikat mo. Ganyan sya kapag nasusugatan at tinatago nya sa akin," paliwanag ni Madam Anne.   Nagkwentuhan sila hanggang maka-recover si Ricky.   "I think we should go na po. Nakaabala na po kami sa inyo. Thank you po sa masarap na agahan at masayang kwentuhan," magalang na paalam ni Ren.   "Aalis na po kayo, Kuya Ricky?" malungkot na tanong ni Bert.   "Kailangan ko bumalik sa amin," paalam ni Ricky na hinawakan ang balikat ni Bert,"Huwag kang mag-alala Bert, dadalaw ako rito kapag may oras."   "We will make sure na babalik sya," wika ni Ren na ginulo ang buhok ng bata.   Palabas na sila sa coffee shop nang tawagin sila ni Bonnie na may hawak na maliit na kahon.   "Ricky, eto pinaaabot ni Nana Marta para sa inyo," pahabol ni Bonnie.   "I'm sorry po kung wala po akong matandaan o maalala regarding sa inyo. I'm sorry to disappoint you," malungkot na wika ni Ricky.   "Magpagaling ka. It will all go back in due time. Huwag mo madaliin, Ricky. You're always welcome dito sa Cakehouse anytime," paalam ni Madam Anne na nakangiti.   "Salamat po," tugon ni Ricky na inabot ang box.   "Salamat din po sa oras at gamot. Mauna na po kami," paalam ni Ren.   "Salamat po," wika nina Drew at Mike.   Umalis ang apat sa Cakehouse.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD