8

2653 Words
Pagkalayo nila sa Cakehouse ay may tawag na natanggap si Ren. Pagkababa ng telepono ay nagpaalam na si Ren sa tatlo.   "I need to go back. Hinihintay nila ako sa Harmony Valley. Ayaw umalis ng prinsesa hangga't wala daw ako," paalam ni Ren na napabuntong-hininga.   "Mag-ingat ka, Kuya. Thank you po," bilin ni Ricky na niyakap si Ren.   "Mag-ingat din kayo," tugon ni Ren na niyakap pabalik si Ricky.   "We will be maintaining radio silence for the meantime habang in transit ang prinsesa. I'll contact you as soon as we are safe. By the way, ask for a password sa makakausap nyo sa Honeyville Inn. The password is wolf fang," lahad ni Ren, "At ikaw naman Ricky, alagaan mo sarili mo. Bawi ako sa'yo pagbalik ko."   "Yes Sir!" anang tatlo.   Naghiwa-hiwalay sila sa bus stop. Magkaibang direksyon ang kanilang pinuntahan.   Nagtungo ang tatlo sa Honeyville Inn sa dulo nang bayan. Maingat silang nagpunta doon dahil maraming Greems ang nakapaligid sa lugar na iyon. Boundary na ang lugar na iyon papunta sa West District.   Isa-isang pumasok ang tatlo sa lobby. Naupo sina Drew at Mike sa reception area habang si Ricky ang lumapit sa receptionist. Gamit ang lokal na lengwahe kinausap nya ang receptionist at itinanong ang kwartong hinahanap nila.   "Tol anung sinasabi nya?" tanong ni Mike sa receiver ni Ricky. "Saglit lang daw i-check nya," sagot ni Ricky na mahina para marinig lang ng dalawa.    Nagsalita ulit ang recepionist.   "Huwag kang magulo, Mike!" ani Drew, "Sabi nya room 446."   "Wow chicks naman yan, Ricky. Can you ask for her number?" tanong na pabiro ni Mike.   Magalang nagpasalamat si Ricky sa receptionist.   "Ingat Mike. Nakikita mo yung lalaking manager sa ten o'clock? Boyfriend nya 'yan. And based sa tingin nya baka tadtarin ako nyan pag kinuha ko number ng girl," babala ni Ricky.   "Bakit ang alat ko talaga sa babae?" pabirong wika ni Mike.   "We will never know guys. We will never know." sagot ni Drew na natawa sa kabilang linya.   "Bantayan mo muna si Ms. Receptionist baka maunahan ka," tukso ni Ricky.   "Roger. Don't worry pagbaba nyo may copy na ko number nya," ani Mike   Pumunta si Ricky sa elevator at pinindot ang Up button. Maingat naman sumunod si Drew. Tyempo naman na sila lang dalawa ang pasahero ng elevator maliban sa operator nito.   "Fourth floor please," wika ni Ricky sa elevator operator.   Pagdating sa fourth floor ay bumaba ang dalawa. Kaagad nila hinanap ang room 446 at kinatok ito. Sumilip muna ang tao sa kwarto sa pinto bago binuksan.   "We are here to deliver your package," sabi ni Ricky.   "Come in," anang lalake na halatang medyo gulat nang isang saglit bago naging seryoso ulit ang mukha. Lumingon muna sa paligid si Drew bago pumasok kasunod ni Ricky. Pagdating sa loob sinundan ng dalawa ang lalaking sa pinto papasok sa loob ng kwarto. Sa salas ng kwarto, isang binata ang natagpuan nila na nagbabasa ng libro. "Maupo kayo," anang binatang nagbabasa ng libro.   Hindi sumunod ang dalawa.   "We need the password first," giit ni Ricky.   "Napakasegurista mo talaga. Kung gusto ko makuha ang cargo sa inyo kanina pa namin nagawa dahil kaya namin kayo patayin dito pa lang," wika ng binatang nakaupo.   "Hindi nyo po magagawa iyon dahil tandaan nyo hindi nyo pa nga sigurado kung dala namin ang cargo kaya what's the password?" matigas na tanong ni Ricky.   "Are you insulting our capabilities? Do you know who are you talking to?" tanong nang lalaking nagpapasok sa kanila na nagagalit.   "Steve, let them be," anang binatang nakaupo.   "But sir..." anang lalaki.   "You can never be too careful. With a delicate cargo they have they can never let their guard down," anang binata sa kasama nya.   Binaba nang lalaki ang binabasa nyang libro.   "Your still as fiesty and clever as ever. Wolf Fang is the password," anang lalaki.   Binaba ni Drew ang bag nya sa lamesita at binuksan. Isang netbook na kaagad ay binoot up nya ang nilabas nya. Tumango ang binata sa kasama nyang lalaki at pinakuha yung computer nila at ini-link sa laptop ni Drew. Habang kinokopya ang reports mula sa netbook ni Drew ay nagtanong si Ricky.   "Excuse me Sir. Do I know you from somewhere? You look familiar," tanong ni Ricky.   "Maybe, may be not," anang lalaki.   "Transfer complete, Major Alexi," anang lalaki na tinanggal ang link sa netbook ni Drew.   "Tapos na?" tanong ni Ricky kay Drew.    Tumango si Drew at napatingin sa binata na tinawag na Major Alexi.   "Sir, the code for the cargo is For Your Eyes Only," bilin ni Drew.   "Thank you. Ihatid mo sa sila sa baba, Steve," utos ni Major Alexi.   Napahawak si Drew sa tenga nya ng tumunog ang radyo nya.   "Guys, we need to go bogey going up right now. They are in the elevator right now," balita ni Mike na pasimpleng umalis sa pwesto nya.   "Roger," tugon ni Drew na lumingon kay Ricky.   "We need to go Greems going up right now," balita ni Drew kay Ricky. Binalik ni Drew sa bag nya ang netbook at sinara ang bag. Kaagad chineck ni Steve ang peeper ng pintuan at nakita na may mga taong papalapit.   "Sir they are here," ani Steve na tumakbo at iniligpit ang gamit nila.   Tumakbo si Major Alexi sa bintana.   "Dito tayo," yaya ni Alexi sa dalawa.   Kaagad naman lumapit ang dalawa at lumabas sa bintana. Sumunod din si Steve at Alexi.   "Mike, saan ang safest route?" tanong ni Drew sa radio.   "I'm searching now," sagot ni Mike.   "Steve!" tawag ni Alexi sa kasama.   "Sumunod kayo sa akin," utos ni Steve na bumaba sa fire exit ng hotel.   Pagbaba nila sa likuran ay maingat silang nakihalo sa mga tao sa lansangan. Patawid na sila nang makita nila ang Greems na pasalubong sa daan nila. Kaagad tumakbo ang Greems palapit sa kanila kaya kaagad tumakbo sila palayo.   "Sabihan mo ang kasama mo na sumunod kay Steve. Saulado nya ang lugar na ito," sabi ni Alexi.   "Split up. Follow Steve, Drew," utos ni Ricky habang tumatakbo.   "Paano ka?" tanong ni Drew.   "I'll be ok," sagot ni Ricky.   "Copy that. Change frequency to Beta after 30," bilin ni Drew.   "Roger," ani Ricky na hinawakan ang tenga nya para ma-mute ang radio nya. Pagdating sa susunod na kanto ay naghiwalay sila sa dalawang grupo. Na-corner sina Alexi at Ricky sa isang eskinita ng apat na Greems.   "Plan B sir?" tanong ni Ricky.   "Major Alexi, matutuwa ang boss kapag nahuli natin sila buhay?" anang isa.   "Kung magagawa nyo," hamon ni Alexi na nakangiti.   "How's your self-defense training, Soldier?" tanong ni Alexi na nag-fighting stance.   "I think I need some polishing up, Sir," sagot ni Ricky na gumaya kay Alexi.   "Capture them!" anang pinuno ng Greems.   Napalaban sina Alexi at Ricky sa mga Greems.   Nagulat si Alexi nang mapansin ang estilo ng paglaban ni Ricky. Nakita nya na umatake ang isa sa kalaban ni Ricky gamit ang isang katana. Kaagad nagsummon ng punyal si Alexi at inihagis kay Ricky.   "Soldier, gamitin mo!" sigaw ni Alexi na hinagis ang punyal.   Ginamit ni Ricky ang nasangga nyang katana para pigilin ang pwersa ng punyal na hinagis ni Alexi. Umikot pataas ang punyal. Umilag muli si Ricky sa pagsugod ng kalaban nya at sinalo ang punyal.   "Salamat po," ani Ricky.   Naghintay ng atake ang kalaban nya. Nataon namang natalo na ni Alexi ang dalawang kalaban nya at balak na nyang tulungan si Ricky pero pinigilan sya nito. "Sir, akin ito," ako ni Ricky.   "Ok, Ricky," paubaya naman ni Alexi na tumabi para manood lang.   Nagulat si Alexi nang makita ang fighting pose ni Ricky. Napansin nya rin na nagbago ang aura ni Ricky. Nakakatakot ito at sa tindig pa lang nito ay makikita mo kung gaano kapanganib.   "Phoenix Fire Claw technique," nabulalas nya.   "Hindi kaya sya si..." bulalas ni Alexi na hindi na naituloy ang sasabihin dahil nagsimula na ang laban.   Sa bawat hampas ng katana ng kalaban ay natutumbasan iyon ng salag ni Ricky gamit ang punyal. Paglayo ng kalaban, nag-summon ng isa pang katana ang kalaban nya.   "Show me what you've got, Boy," anang kalaban.   Sumugod ang lalaki kay Ricky kaya nagbago sya nang technique. Sa sigwadang yon, napaatras si Ricky. Makikialam na sana si Alexi.   "Let me finish this, Sir!" pigil ni Ricky.   Tumayo uli si Ricky at sya naman ang umatake. Sa atakeng iyon lalong nakumbinsi si Alexi dahil sa bilis na nakita nya kay Ricky. Natamaan ni Ricky ang kalaban nya sa pulsuhan kaya nabitawan nito ang hawak nitong katana. Nilapitan ni Ricky ang Greem. Inatake sya nito pero dahil sa bilis nyang umilag ay nakarating si Ricky sa likuran. Binulungan ni Ricky ang Greem na lalong natakot sa sinabi ni Ricky. Tinapos ni Ricky ang Greem sa pamamagitan ng paggilit nya sa leeg nito. Kakikitaan pa rin ng galit ang mukha ni Ricky nang matapos nya ito. Lumayo si Ricky sa napatay nyang Greem na nakayuko. Bigla na lang itong napaluhod nang malapit na sya kay Alexi.   "Ricky, are you ok?" tanong ni Alexi.   "O-opo," ani Ricky habang inaalalayan ni Alexi.   "We need to move. Baka masundan nila tayo," paalala ni Alexi na lumingon muna sa labas ng eskinita bago sila lumabas.   Ilang minuto pa tumigil sila sa isang convenience store. Binuksan muli ni Ricky ang radio nya at inilipat ng frequency. Kinausap ni Ricky ang dalawa sa radio nang bumalik si Alexi. Bumili si Alexi ng tubig at binigay kay Ricky.   "Tell your companion that we will meet them at Staten train station at 1400," utos ni Alexi.   "You hear that guys," tanong ni Ricky.   "Copy that. Are you ok Ricky? Sa tono ng boses mo parang rattled ka." nag-aalalang sagot ni Drew.   "I- i'm fine. Pinagod lang ako nang mga bogeys na yon," tugon ni Ricky.   "Nandadaya ka na naman siguro sa morning runs natin. Magpahinga ka na nga. See you in a bit," paalam ni Drew.   "Copy that. Godspeed guys," tugon ni Mike.   Pagkapatay ng radio,   "Saan ka natutong lumaban?" tanong ni Alexi.   "Hindi ko po alam ang sinasabi nyo," sagot ni Ricky.   "Ricky, you fight well," puri ni Alexi, "Sige we need to move."   "How did you know my name?" gulat na tanong ni Ricky.   Hindi umimik si Alexi habang papunta sila sa Staten train station. Pagdating sa train station nakita nilang nag-uusap sina Steve, Drew at Mike.   "What's up guys?" bati ni Alexi.   "Sir! Mabuti naman at ayos lang kayo," sabi ni Steve sa opisyal.   "Are you ok?" tanong ni Drew kay Ricky na noo'y walang imik.   "Status report?" tanong ni Alexi kay Steve.   "We need to go back, Sir. Masyado na maraming Greems dito baka masukol tayo," tugon naman ni Steve.   "We will be going back. How about you boys?" tanong ni Alexi.   "We have accomplished our mission, Sir. We will be going back, we will have a train ride to Antel district base, transport will be arranged there. I've bought tickets and we will be leaving anytime now," sagot ni Drew.   "Well then, it is nice meeting you boys. Mag-ingat kayo and have a safe trip. Until we meet again, Ricky," paalam ni Alexi.   Tinawag na sa platform ang mga pasahero kaya nagmadaling umalis ang tatlo. Hindi pa nakakalayo ay tinawag muli ni Alexi si Ricky at nagsalita ng ibang lengwahe.   "Sir eto na po ang punyal nyo," ani Ricky na inabot ang punyal kay Alexi.   "Ingatan mo muna para sa akin. It will be of use sa'yo," wika ni Alexi sa Vallian.   Sumagot si Ricky sa parehong lengwahe bago tuluyang sumunod sa dalawa.   "Sir marunong syang mag- Vallian? Bibihira sa mga ahente ang nakakaalam ng lengwaheng iyon," puna ni Steve.   "He is a very special man. Commander Emir will be happy with the news we have," tugon ni Alexi.   "Hindi po ba iyon ang Dragon's Dagger? Bakit nyo binigay iyon sa kanya?" tanong ni Steve.   "The dagger chooses his master. The dagger never forgets his master. Tumawag ka sa nearest station. Make sure na makakarating sila sa Antel ng walang aberya," utos ni Alexi.   "Yes, sir." ani Steve.   Habang nagbibyahe ang tatlo, tinanggal ni Ricky ang earpiece nya at pinalitan ng earphones. Aabot ng apat na oras ang byahe nila kaya nagpatugtog sya sa music player nya, isinandal ang ulo sa headrest ng upuan at pumikit. Hindi nya namalayan ang lumipas na oras at napaidlip sya. Napanaginipan nya ang nangyari kanina nung napalaban sya sa Greem Assassin. Nakita nya kung paano nya brutal na napatay ang assassin na iyon. Hindi nya alam kung paano nya nagawa iyon. Ginising sya ni Drew. Naalipungatan agad si Ricky at kaagad tinanggal ang earphones nya.   "Ricky, gising muna. You need to eat. Kanina ka pa hindi kumakain," alog ni Mike sa kanya na inabutan sya nang sandwich.   "Salamat," tinanggap ni Ricky pagkatapos nyang patayin ang music player nya. Habang kumakain sila,   "Are you sure your ok? Kanina ka pang tahimik," paniniguro ni Drew na nag aalala. "Ayos lang naman. Napa-encounter kami kanina ni Major Alexi nagulat ako dahil noong kailangan nya ng weapon ay may weapon na lumabas out of thin air," kwento ni Ricky. "Habang natutulog ka nag-research kami ni Drew. We found out na isa sa LeVallian Elite Guard si Captain Alexi. Special trait daw ng LeVallian guards ang magkaroon ng summoning powers. Ayon sa research ko sa history nila. Ang mga high rank LeVallian Elite Guards ay nakatatawag ng special magical creatures na nagbabantay sa Royal Family," lahad ni Mike.   Maya-maya'y,   "We are now arriving at Antel Business District station," anang conductor.   "Dito na tayo. We will be escorted back sa Military Base. Here is your passes," wika ni Mike na inabot ang ID nila.   "Educational Tour pass?" tanong ni Drew na tumaas ang isang kilay habang palabas sila sa train.   "There is a Aeronautic Museum sa base. Para hindi tayo mapaghinalaan. Sino maniniwala na member tayo ng ACTSU? It's the perfect but most clever way na makapagreport at makatransit tayo. General Santiago will be assisting us para makabalik sa atin," paliwanag ni Mike.   Paglabas nila ay nakita nila ang escort nila at sinamahan sila papunta sa base. Nakabalik silang tatlo sa Eagle base gamit muli ang portal. Kaagad sila nag-report kay Anton para sa debriefing at intelligence conference para sa report nila. Paglabas ng conference room ramdam na ramdam na ng tatlo ang pagod.   "You boys take a rest. I already called the school to excuse you tomorrow sa academic activities nyo. A remedial work was e-mail sa e-mail add nyo nang profs nyo. Ricky, Miss Pet called she said you have to report to school later to finalize yung project nyo," utos ni Anton.   "Ok Kuya. Thank you," tugon ni Ricky na nakaramdam nang panlalambot.’   "Ayos ka lang ba talaga? " tanong ni Anton.   "Opo. Pagod lang siguro ito," wika ni Ricky.   "Sige magpahinga na kayo boys. Congratulations and job well done," puri ni Anton.   Habang pabalik ang tatlo sa kwarto.   "I'll be heading kay Nana. Medyo nagugutom na ko. You want to join me?" tanong ni Mike.   "Sige gutom na din ko," sang-ayon ni Drew.   "I'll pass. I want to sleep. Nanlalambot na ko sa antok," tanggi ni Ricky.   "Sige. Pahinga ka na. You had a long day," ani Drew.   "See you later," wika ni Mike.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD