Nagising si Ricky sa alarm nya. Pakiramdam nya ay may nakadagan sa dibdib nya. Kaya tumagilid sya sa higaan nya para pakiramdaman ang sarili. Makaraan ang ilang saglit ay nawala ang pakiramdam na iyon saka tuluyang bumangon. Mabigat ang pakiramdam nya pero nag-ayos sya papunta sa school nila. Habang naliligo ay natumba sya dahil hindi sya makahinga. Naupo sya sa toilet hanggang sa maka-recover sya nararamdaman.
Paglabas nya sa kwarto ay dumiretso sya sa Commissary nila. Naroon sina Drew at Mike kumakain. Kumuha ng gatas si Ricky at tuna sandwich bago umupo sa lamesa nang dalawa.
"Good morning!" bati ni Ricky sa dalawa.
"Good morning. Ok ka lang? Mukhang pagod na pagod ka pa," bati pabalik ni Mike.
"I'm not feeling that well," amin ni Ricky.
Inusod nya ang pagkain nya sa gitna ng lamesa. Binaba ang ulo sa mga braso nya na nakapatong sa lamesa.
"Bakit hindi ka muna magpahinga," payo ni Mike.
"Kailangan kong magpunta sa school dahil magpapaapruba kami ni Jaycee sa Regents ng project. Ngayon kasi nakaschedule ang deliberations," matamlay na wika ni Ricky.
"Kaya mo ba?" tanong ni Drew.
Tumango lang si Ricky.
"With what you experience the past two days sigurado ka na kaya mo? Any normal person can't endure what you experience. I think you need to rest more," payo ni Mike.
"I need to finish my commitment. Baka mabinbin ang project na ito kapag hindi ko natapos. Medyo natengga nga dahil sa marami tayong inaasikaso. Nangako ako kay Jaycee na ako ang bahala sa project na ito," katwiran ni Ricky.
"Halos hindi ka na nga makagalaw dyan eh," puna ni Drew.
"Mabuti pa samahan na kita sa school. I'm meeting up with Jaycee regarding a research after the deliberations," ani Mike.
"Mas maganda yang ideya mo na 'yan," sang-ayon ni Drew.
"Okay. Let's finish breakfast and let's go," payag ni Mike na sumubo sa kinakain nya.
Napansin ni Mike na hindi ginagalaw ni Ricky ang pagkain nya.
"Ric, eat up," susog ni Mike.
"Thanks but I'm not hungry," ani Ricky na malamya.
"You haven't touch anything since yesterday's breakfast. Kumain ka kagit tatlong kagat lang," nag-aalalang ni Drew.
"Wala lang akong ganang kumain. Mamaya na lang siguro sa school," sagot ni Ricky.
"Mabuti pa ay dumaan muna tayo kay Doc Santi bago umalis para matingnan ka. Medyo maputla ka," mungkahi ni Drew.
"Ayos lang ako. Mamaya na lang pagbalik ko mula sa school. Naipangako ko kasi kay Jaycee na magkikita kami ngayong umaga," sabi ni Ricky.
Matapos kumain ng dalawa ay sabay-sabay silang lumabas ng Commissary.
"Kukunin ko lang ang gamit ko sa kwarto ko. I'll meet you sa garage in 5 minutes," wika ni Ricky.
Bumalik si Ricky sa kwarto nya. Damang-dama na nya ang paninikip ng dibdib nya pero hindi nya ito ininda. Nasa pasilyo na sya sa tuluyan nila nang lalong tumindi ang sakit na nararamdaman nya at nawalan na sya nang malay.
Makaraan ng limang minuto ay naghihintay na sa garahe ang dalawa. Kinutuban si Drew nang hindi pa dumarating si Ricky doon at lagpas na ang oras. Sumilip sya sa relo nya.
"I'll just check Ricky. I have a bad feeling about him," nababahalang wika ni Drew.
"I'll come with you." sang-ayon ni Mike.
Patakbong nagtungo sina Drew at Mike sa tinutuluyan ni Ricky. Nabahala ang dalawa ng nakita nila ito na wala nang malay sa sahig. Patakbo nilang nilapitan si Ricky at sinuri.
"Ricky!" tawag ni Drew na chi-neck agad ang vital signs nito.
Hiniga nya kaagad si Ricky para ihanda sa CPR.
"Mike, call the Infirmary code one," utos ni Drew.
Dinukot ni Mike ang cellphone nya at pinindot. Kaagad ni-relay ni Mike sa phone ang mensahe at binaba ang phone.
"Still no response. No signs of breathing. CPR!" ani Drew habang niluwagan ang belt ni Ricky at butones ng pantalon.
Pumuwesto kaagad ang dalawa sa CPR position - si Drew sa may dibdib at si Mike sa ulunan.
"Ricky breathe! Come on Ricky!" samo ni Mike habang nagpu-pump ng dibdib si Drew.
"Come on Ricky!" wika ni Drew tuwing intervals ng mouth to mouth resuscitation.
Chi-neck muli ni Mike ang pulse ni Ricky.
"Pulse is back but very weak. Come on Ricky!" wika ni Mike na tila nabunutan ng tinik sa lalamunan.
Maya-maya ay naramdaman nilang humihinga na si Ricky kaya itinagilid ni Drew sa Ricky for recovery position.
"Ricky, can you hear me? If you can, pisilin mo lang kamay ko," utos ni Drew na hawak ang kaliwang kamay ni Ricky para ma-monitor ang pulse rate nya.
Pumisil si Ricky nang mahina kay Drew. Magsasalita sana si RIcky pero pinigilan sya ni Drew.
"Don't talk, just relax and breathe. Huwag ka munang matutulog please," pakiusap ni Drew.
"Hinga lang Ric," ani Mike.
Ilang saglit pa ay dumating na ang mga emergency medical officer na may dalang spine board mula sa Infirmary. Chineck ng mga medical officer si Ricky, nilipat sa spine board at isinugod sa Infirmary. Kasunod nilang dumating si Anton sa Infirmary.
"What happened to Ricky?" tanong ni Anton kay Drew.
"We just saw him unconscious sa tapat ng kwarto nila. No pulse and not breathing," kwento ni Drew.
Maya-maya ay lumabas si Doc Santi mula sa emergency room ng Infirmary.
"How is he, Doc?" tanong ni Anton.
"Not good. Nag-code na naman sya sa loob. Buti na lang he's a fighter and hung on. We transferred him to the ICU right now. I don't know why but his system is shutting down. His tests shows nothing is wrong. Wala kaming makitang dahilan ng shutdown ng katawan nya. If we don't figure out what is happening we will loose him," paliwanag ni Doc Santi.
"Doc, did you see his necklace?" tanong ni Anton.
"Hindi. He wasn't wearing any," sagot ni Doc Santi.
"Kwintas?" tanong ni Mike.
"Ang kwintas na lagi nyang suot. Hindi nya hinuhubad ng matagal iyon," paliwanag ni Anton.
"Wala naman syang suot nitong mga nakaraang araw," tugon ni Mike.
"Kailan nyo huling nakita kay Ricky ang kwintas nya?" tanong ni Anton na nabahala.
"Pinakuha nya sa akin iyon sa locker nya kasi nakalimutan nga nya. I gave it to Jaycee para maiabot sa kanya during evals kasi pinatawag ako ni Miss Pet," sagot ni Drew.
Nagkatinginan sina Mike at Drew.
"Wait. I thought naiabot ni Jaycee kay Ricky yun?" wika ni Drew.
"Hindi sila nagkita ni Ricky dahil kinailangan nyang umuwi dahil dumating na ang sundo nya," patunay ni Mike.
"You have to find his necklace immediately. His life depends on that necklace," ani Anton na nabahala.
"Tatawagan ko si Jaycee para maitanong kung hawak nya ang kwintas ni RIcky," sabi ni Drew na kaagad di-nial ang numero ng dalaga.
Makaraan ang ilang saglit na pakikipag-usap ay nakumpirma na hawak nito ang kwintas.
"Nasa University na si Jaycee. Nasa kanya ang kwintas ni Ricky," salaysay ni Drew.
"Okay. Pupuntahan ko na si Jaycee sa school," wika ni Mike na nagmamadaling umalis.
Kaagad lumakad si Mike papunta sa school nila gamit ang motor nya. Makaraan ang ilang oras ay nakabalik si Mike dala ang kwintas. Nag-code na naman si Ricky noon. Ipinulupot ni Doc Santi ang kwintas sa kamay ni Ricky habang sinusubukan itong i-revive. After a few minutes na-revive si Ricky.
Ilang minuto pa ay lumabas si Doc Santi sa kwartong pinagdalhan kay Ricky sa ICU.
"Kamusta na sya Doc?" tanong ni Anton na alalang-alala.
"Nagstabilize na sya," sagot ni Doc Santi.
Nakahinga ng malalim ang tatlo at natuwa.
"Just in time. Hindi na kakayanin ng katawan nya kapag nag-code ulit sya," anang doktor.
"His life source depends on that necklace. Nakumpirma natin na miyembro sya nang Elite Guards sa LeValle dahil dyan. It is the air they breathe kaya kapag nawala yan sa kanila ay bihira ang nakakasurvive sa labas ng LeValle. Usually sa loob ng 24 hours na wala yan sa katawan nila, nanghihina ang katawan nila at namamatay. Kaya pinagkaka-ingatan nila 'yan," paliwanag ni Anton.
"Mabuti na lang at sa Valle ang naging assignment natin," bulalas ni Mike.
"Bahagi ng buhay nila ang kwintas na iyan. Maswerte sya at natagalan ng katawan nya na wala ang kwintas sa kanya," sabi ni Anton.
"Ang dami talagang misteryo sa pagkatao nya Sir. May mga natuklasan din po kami tungkol sa kanya mula sa misyon namin sa Ark," wika ni Drew.
Ikinuwento nang dalawa ang nangyari sa kanila sa Ark Sector.
"That's interesting ," tugon ni Doc Santi.
"His mind is unconsciously revealing some details sa kanya pero its still blocking his memories, Doc Santi," pahayag ni Drew
"Pinoprotektahan ng utak nya ang sarili nya marahil sa trauma na natamo nya physically, emotionally at psychologically," paliwanag ni Doc Santi.
"You can visit him later. We are moving him sa regular room. He will have to rest for a few days, parang trangkaso ang magiging effect ng episode na ito sa kanya," ani Doc Santi.
Lumulutang ang pakiramdam ni Ricky.
"Nasaan ako?" tanong ni Ricky.
"Nasa kawalan ka, Kamahalan. Hindi ka dapat nandito," anang boses ng babae.
"Sino ka?" ani Ricky
"Malalaman mo rin sa mga darating na panahon, Kamahalan," tugon ng boses
"Anong lugar ito?" tanong ni Ricky sa boses.
"Hindi na mahalaga iyon. Sa ngayon ay ihahatid na kita pabalik sa pinanggalingan mo. Hinihintay ka nang pamilya at kaibigan mo," anang boses.
Isang phoenix ang nagpakita sa kanya bago tuluyang dumilim muli ang paligid nya.
Nagising si Ricky sa isang kwarto. Dahan-dahan nyang binuksan ang mata nya sa nakasisilaw na liwanag ng kwarto. Lumingon sya sa paligid, pamilyar sya sa lugar na iyon - nasa Infirmary sya. Parang bakal sa bigat ng pakiramdam nya.
"Kamusta? Welcome back," ani Doc Santi.
"Tu-tubig," sambit ni Ricky.
Ipinaghanda sya ni Drew ng tubig sa isang baso at nilagyan ng straw. Inangat nya ng kaunti ang likod ni Ricky para makainom ito. Kaagad namang humigop ito.
"Hinay-hinay lang bro. Baka mabigla ang katawan mo," pigil ni Drew.
"Anong nangyari?" tanong ni Ricky na nanghihina pa rin.
Naramdaman nyang may nakapulupot sa kanan nyang kamay - ang kwintas nya.
"Dalawang araw kang walang malay. Akala namin hindi ka na magigising," sagot ni Drew.
"Tinakot mo kaming lahat at pinag alala. Ilang beses kang nag-code," ani Mike.
"Nag-code?" hindi makapaniwalang ni Ricky.
"Oo. Muntik na akong atakihin ng halos hindi na kita ma-revive," pabirong wika ni Drew.
"Sa susunod na gagawin mo iyon, ikaw na ang pagbabayarin ko ng insurance premiums namin," biro ni Mike.
"Pasensya na," ani Ricky.
"Ako dapat ang humingi ng tawad sa'yo. Dapat ay binigay ko muna sa'yo ang kwintas mo bago ako nagtungo kay Miss Pet. Hindi ka dapat aabot sa sitwasyon na ito kung siniguro ko muna na makuha mo ang kwintas mo," may pagsisising wika ni Drew.
"Hindi mo kasalanan at hindi naman sadya," sabi ni Ricky.
"Basta sa susunod ay huwag na huwag mo nang huhubarin iyan. Iyan ang binilin ni Ren sa'yo," bilin ni Anton.
Tumango lang si Ricky na pumikit muli at huminga ng malalim.
"Pahinga ka lang muna. Hayaan mo muna maka-recover katawan mo. I'll decommission you for a few days para makapahinga ka mabuti," ani Anton.
"Pe-pero po..." na mangangatwiran si Ricky.
"That's an order," putol ni Anton sa matigas na boses.
"Sumunod ka na. Magpapahinga ka lang naman hindi magre-resign," sabi ni Mike pabiro.
"Nangako ako kay Ren na hindi kita pababayaan. Baka gilitan nya ako nang leeg kapag nalaman nya ito," katwiran ni Anton.
"S-si Mi-Miss Pet... Ang project..." banggit ni Ricky na naalala ang naiwan nyang gawain.
"She is very worried about you. Sinabi ko na may sakit ka. She told me na you should rest. She understands naman daw eh. Si Jaycee ang nagdiscuss ng project natin sa board at naaprubahan naman ng mga regents," sagot ni Mike.
Halatang hinang-hina pa si Ricky at nagpipilit lang ipakita na maayos na sya.
"Sige na kailangan na naming lumabas para makapagpahinga ka pa. We will check on you every now an then. You will be transferred tomorrow sa kwarto mo. Rest up," paalam ni Anton.
Lumabas ang tatlo sa kwarto at nagbalik sa duties nila.