10

1957 Words
Dalawang araw ang lumipas, nagsimula nang mabagot si Ricky sa loob ng kwarto nya kaya bumangon sya para kumuha nang laptop sa study table nya. Nakatukod sya sa upuan malapit sa study table nang abutan sya ni Jaycee.   "What are you doing? Go back to bed," tanong ni Jaycee na pumasok sa kwarto nya at inalalayan sya pabalik sa higaan.   "I'm just going to get my laptop," katwiran ni Ricky.   Inayos ni Jaycee ang unan sa likuran ni Ricky para kumportable itong makasandal. Kinuha nya ang laptop ni Ricky at binigay sa dito.   "Dapat nagpapahinga ka pa. Baka mabinat ka naman sa ginagawa mo. Doctor's orders sa'yo ay magpahinga pa," ani Jaycee na inayos ang unan sa likod at ang kumot ni Ricky   "Thank you. Kaya ko na namang tumayo, Jaycee. I need to exercise din," katwiran ni Ricky.   Dumating si Drew.   "Hello, how's the patient?" pabirong wika ni Drew.   "Bored. I would love to go to the gym pero Doc Santi will skin me alive if he sees me sa gym. I am going to do a research regarding an item sa laptop ko nang dumating si Jaycee," sagot ni Ricky na binuksan laptop nya.   "Doctor's order is complete bed rest. Baka mabinat ka," wika ni Jaycee.   " I'm alright. I need to go back kasi malapit na ang laro namin," katwiran ni Ricky habang nakatingin sa screen ng laptop nya.   "Tingnan mo itong taong ito. Parang hindi ka nagkasakit ah," wika ni Jaycee na napapailing.   "I'm really alright," ani Ricky na nag-type na sa laptop nya.   "Anu ba yang ire-research mo?" tanong ni Jaycee na lumapit kay Ricky.   Lumapit din si Drew kay Ricky para silipin ang laptop nya.   "Phoenix? Yan yung design ng kwintas mo ah!" tanong ni Jaycee.   "Talaga?" tanong ni Ricky na tiningnan ang kwintas nya na kasabit sa leeg nya.   "Oo. Kahawig ng disenyo ng pendant ng kwintas mo," patotoo ni Jaycee.   "I haven't notice that," takang wika ni Ricky.   "Ba't naman napagdiskitaan mo 'yan?" tanong ni Jaycee.   "I saw a phoenix in my dream. She escorted me back here and told me you guys are waiting for me," ani Ricky na napatigil habang nagbabasa, "Katulad nito ang nakita ko."   "That is interesting! It says here na Guardian iyong phoenix na nakita mo," ani Drew.   Naputol ang pagbabasa nila nang may kumatok.   "Pasok po!" sigaw ni Ricky.   Bumukas ang pinto at pumasok si Doc Santi.   "Good morning, kamusta?" tanong ni Doc Santi.   "I'm ok, Doc," sagot ni Ricky na isinara laptop nya at nilagay sa side table ng kama nya.   "I'll just do the routine," wika ni Doc Santi na chineck ang pulse rate, heart beat, "Mukhang ok ka na nga, Ricky. If you'll behave today and rest, I'll allow to do light work-outs tomorrow. I'll also report your progress to Anton. In a week or so you can go back to action," ani Doc Santi.   "Alam ko namang kating-kati ka na lumabas dito. I'll allow you to go out but don't overexert anything," dugtong Doc Santi.   "See I told you guys, I'm ok. Thanks, Doc," sabi ni Ricky na umayos ng upo.   "Sige I need to go back sa Infirmary," wika ni Doc Santi na lumabas.   "Salamat po," wika ni Ricky na ngumiti.   "Ihatid ko na po kayo sa pinto," ani Jaycee na sinundan ang doktor palabas.   "Nasaan nga pala si Mike?" tanong ni Ricky.   "Nasa tarmac. Tumutulong sa mga aircraft mechanic sa maintenance," ani Drew.’   Makaraan ang ilan pang minuto ng kulitan ay binuksan muli ni Ricky ang laptop nya at itinuloy ang research na ginawa nya. Ilang minuto pa ay pinatay nya ito at pinatong sa side table ng kama nya. Bumangon sya sa higaan nya at nagtungo sa banyo. Lumabas syang nakapagpalit na ng damit. Pumunta sya sa study table nya at kinuha ang sketch materials nya. Lumabas sya sa salas ng tinutuluyan nila kung saan naroon pa rin sina Drew at Jaycee na nagkukwentuhan.   "Narito pa pala kayo," gulat na wika ni Ricky.   "Making sure na hindi ka gagawa ng kalokohan habang nagpapahinga ka," patuksong wika ni Jaycee.   "Nagpatulong lang si Jaycee sa IT subject nila," wika ni Drew.   "Saan mo naman balak pumunta?" tanong ni Jaycee na nakataas ang isang kilay.   "Sa tabing dagat. Magpapahangin. Nababagot na talaga ako dito sa loob. I need fresh air. You want to come?" ani Ricky na sinuot ang jacket nyang may hood.   Sinuot nya ang hood nya bago sya humarap sa dalawa.   "Nahh. Babalik na ko sa school may mga aayusin pa ako for SB," ani Jaycee na palabas na ng kwarto.   "Baka mabinat ka naman sa ginagawa mo," ani Drew na nag-aalala.   "Baka mabinat ka naman sa gagawin mong iyan," ani Drew na nag-aalala.   "I need a breath of fresh air. Medyo hindi na ako makahinga dito," ani Ricky.   "Sunod na lang ako. Daanan ko lang si Mike," ani Drew na lumabas din.   Sa beach, pumuwesto si Ricky sa kubong tambayan nilang tatlo at nilabas ang sketch book nya. Nag-inat sya at ngumiti. Tumingin sya sa dagat at huminga ng malalim.   Binuksan nya ang sketch book nya na ipinatong nya sa lamesa kanina. Nang nagsimula syang mag-sketch hindi na nya napansin ang oras. Nagulat na lang sya nang hawakan sya ni Mike sa balikat. Hinawakan kaagad nya ang kamay na pinilipit nya.   "Kalma! Kami lang ito," ani Mike.   "Pasensya na. Nanggugulat ka kasi," ani Ricky na binitawan si Mike.   "Masakit iyon," ani Mike na pinagpag ang kamay na hinawakan ni Ricky.   Nagbaba ng inumin si Drew sa lamesa.   "Masyado ka kasing intense dyan sa ginagawa mo," ani Mike.   "Hindi ko kayo namalayan, pasensya na," ani Ricky na nagpunas ng pawis.   "Ang ganda nyan ah," puri ni Drew na nakatingin sa sketch ni Ricky.   Tiningnan ni Ricky ang sketch, isang garden ang kanyang ginawa. Pamilyar ang garden pero hindi nya maalala kung saan nya nakita.   "Katulad ng Palace Garden ng LeValle," ani Drew.   "Oo nga. Malaki ang pagkakahawig sa Palace garden," sang-ayon ni Mike.   "Bigla na lang pumasok sa isip ko iyan kanina," ani Ricky.   "Kuhang-kuha mo ung details." ani Mike.   "Teka-teka, nakarating na kayo ng Palace Garden?" tanong ni Ricky kay Mike.   "Oo. Isinama kami nina Kuya Ren at Kuya Anton dun noong i-meet nila ang isang kaibigan nila na doon sa Sentro nagta-trabaho," ani Drew.   "Makikita mo rin iyon pag naaprubahan ka bilang participants ng exchange program," ani Drew.   "Exchange program?" tanong ni Ricky habang binubuksan ang isang lata ng malamig na juice na dala ni Drew.   "Nakalimutan ko banggitin sa inyo, nag-offer ang University of Valle nang isang foreign exchange program sa mga kwalipikadong kandidato sa school natin. Madalas ibinibigay iyon ng school mga academic achievers at minsan ay sa mga Student Body Officers base sa recommendation ng mga professor. May tatlong slots na pinag-aagawan," ani Drew.   "Iyon ba ang binabanggit ni Mike sa akin dati na nirekomenda din kayo?" tanong ni Ricky.   "Oo iyon nga," ani Mike.   "Ang Student Body and Faculty ay pinagpasa recommendation for the slots. Ni-recommend ka Ricky for foreign exchange program ni Miss Pet nang Student Body. May walo daw na candidates. I-aannounce daw ang napili sa mga darating na araw," paliwanag ni Drew.   "Kailan pa sinabi yan?" tanong ni Mike.   "Two months ago. Sabi ni Miss Pet tapos na daw ang deliberations," ani Drew.   "Malabo naman na makuha ako. Mas maraming mas deserving sa akin. Baka kayong dalawa pa," ani Ricky.   "Malay mo naman. We will never know," ani Mike na umupo sa tabi nya at inabutan si Drew ng isang lata ng juice.   Nagkwentuhan ang tatlo at nagbiruan habang nanonood sa hampas ng alon.   "May umiikot na video sa Net ngayon. Hindi namin alam kung sino pero napakahusay nyang lumaban. Video ito nang laban ng isang lalaki sa isang Greem assassin," ani Mike.   "Really?" ani Ricky na nagtaas-kilay.   "Nakakapanindig balahibo syang lumaban. Nakakatakot ang estilo. Sinusubukan naming alamin kung anong estilo ang ginagamit nya pero walang makapagsabi. Baka ma-identify mo ang estilo nya," ani Mike.   "Pwede bang makita ang video?" ani Ricky.   Pinindot ni Mike ang relo nya at isang holographic video player ang nagplay ng video na sinasabi nya.   "Medyo madilim ang mukha nang lalaki kaya hindi sya makilala," ani Mike.   Habang nagpa-play ay kinilabutan si Ricky nang makita nya ang estilo ng pakikipaglaban at pagpatay na ginawa sa assassin.   "Ang Phoenix Strike at Death Dance," nabulaslas nya.   "Kilala mo ang estilong iyan?" tanong ni Mike kay Ricky.   Tumango si Ricky.   "Naikwento na ni Kuya Ren sa akin iyan," ani Ricky na gulat pa rin.   Naalala nya ang nangyaring iyon. Video nya iyon na kinuha sa Ark Sector ng pakikipaglaban nya sa assassin.   "Ricky, parang ikaw ito ah," ani Drew.   "Ako? Paanong naging ako yan?" tanong ni Ricky na kinabahan.   Nakumpirma ang hinala nya.   "Ikaw lang ang nakita kong gumalaw na ganyan ka flawless. At sa'yo ko lang nakita ang stance na yan," ani Drew.   "Plus eto ang suot mo sa Ark noong araw na iyon. Same gasgas na pinagamot mo noon," dugtong nya.   "Wala akong maalala tungkol dyan. Mukhang galaw ng Elite Guards yan eh," ani Ricky.   "Siguro nga. Napakahusay talaga nya. Hanggang ngayon hinahanap pa rin kung sino ang lalaking ito," ani Mike.   Kinahapunan ay nagpunta si Ricky sa gym ng base.   Nasa gitna sina Mike at Drew ng sparring session ng abutan sila nina Ricky. Napansin sya nang dalawa nang pumasok sya sa matted area kaya tumigil ang dalawa at lumapit sa kanya.   "Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Mike.   Hinagisan sya ni Ricky ng towel na kaagad naman nyang sinambot at pinunas sa mukha. Hinagisan din ni Ricky ng towel si Drew, sinundan nya nang abot ng water bottle nang dalawa.   "Hindi ka pa dapat narito ah," ani Drew na binuksan ang water bottle nya at lumagok bago pinunasan pawis nya.   "Mag-stretching lang ako," ani Ricky.   "Stretching? Hindi ka makahintay ng bukas, 'tol?" ani Drew na namewang.’   "Hindi ko naman pupwersahin. Gusto ko lang pawisan, pakiramdam ko kasi ang bigat-bigat ko na," ani Ricky.   "Parang hindi ka nag-code ah. Kapag binawian ka nang katawan mo mamaya, yari kami kay Ate Eva nyan," ani Mike.   "I'll not overdo anything. Word of honor guys. Ilang sipa lang," ani Ricky.   "Hindi ka naman papipigil," ani Drew na umiling.   "Ano, Drew? Another round?" tanong ni Mike na binaba ang towel nya at water bottle sa upuan nya.   "Sure!" ani Drew na binaba rin ang tubig nya.   Pagdating sa gitna ay muling naglaban ang dalawa. Pulido at mapili si Drew umatake samantalang aggresive ang estilo ni Mike - brawler type.   Natapos ang session sa isang armbar na naipuslit ni Drew kay Mike sa kaliwang braso at nagtap out si Mike.   "Nice move, 'tol," ani Mike na minamasahe ang kaliwang braso.   "Sorry napalakas ata," ani Drew na nakipaghigh five kay Mike.   Si Ricky naman ay pumalakpak. Sumipa lang sya nang kaunti sa bag at nagpapawis saka nagpahinga.   "Nice session guys," ani Ricky.   "Thanks," ani Drew.   "Nautakan mo ako dun. Hindi ko nakita yung last movement mo," ani Mike.   "Bukas kasi ang left side area mo nahuli ko lang. Nice job din," ani Drew.   "Cool down na kayo para makapagpahinga na kayo," ani Ricky.   "Thanks," sabay na wika ng dalawa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD