"General Emir, dumating na po si Trix," anang isang tauhan. Napatayo si Emir sa kinauupuan nya sa opisina nya. "Nasaan sya?" tanong ni Emir. "Nasa kwarto po nya. Halos wala na syang malay ng dumating at hinang-hina. Pinilit na naman po nyang mag-teleport pabalik dito kahit medyo mahina pa sya," anang tauhan. Kaagad namang pinuntahan ni Emir ang kwarto ni Jude. Kasunod nya noon si Alexi. Nakaupo si Jude sa kama hinihingal pa rin. "Sir," bigay galang ni Jude na pilit tumatayo. "At ease," utos ni Emir na humatak ng upuan sa harap ng kama at umupo. "Sir pinadala po ng Alpha group na pinamumunuan ni Colonel Ren," ani Jude na nilabas ang pouch kung saan naroon ang Lotus Crystal. "Alexi pakidala ito sa lab para makuha na ang impormasyon sa kristal," ani Emir kay Al

