Samantala sa camping nina Niño at mga ka-year level nila ay ginrupo sila sa apat. Nagkahiwalay ng grupo sina Niño at Jude pero halos sabay sila sa mga gawain. Sa unang araw ay tumakbo sila bilang bahagi ng activity nila. Inatake ng hika si Niño habang nasa kalagitnaan ng activity nila. Natigilan si Jude at nakaramdam ng saglit na paninikip ng dibdib. "Ayos ka lang, Jude?" tanong ng isang kagrupo nila. "Ok lang. Nakita mo ba si Niño? Bigla kasi syang nawala," usisa ni Jude. "Bigla syang tumigil sa kabilang station. Hindi ko alam kung bakit pero nauna na mga kasama nya sa susunod na station," anang kasama nya. "Sige. Salamat," wika ni Jude na tumakbo pabalik sa station na tinutukoy nya. "Saan ka pupunta?" tanong ng kasama nya. "Titingnan ko lang sya. Kanina pa syang p

