Agad naming hinalughog ang buong paaralan. Tiningnan din namin ang lahat ng kuha ng CCTV pero napag- alaman namin na naka patay ang mga CCTV ng School. Ang mga kalsada naman na malapit ay puro sira ang mga camera nila. Mukhang planado ang lahat, talagang hindi sila nag iwan ng bakas sa pagka wala ng bata. Tanging ang classmate at kaibigan ni Pj ang nag- iisan witness namin. Kaya naman dinala namin sila ng kanyang ina sa Safehouse, pati ang buong pamilya ng bata ay ipina kuha din namin. Baka sila ang pag initan ng mga Criminal na dumukot kay Pj. Halos hindi maka usap si Ate Lisa, buti na lang at kasama nya lagi si kuya Sam. Nakikinig kasi sya kay kuya Sam, napilit din ni Kuya na kumain sya ng hapunan. Kaya naman kahit papaano ay hindi kami mag- alala kay ate. Hindi ko rin mapigilan an

