Pamela's POV Hindi ko talaga matiis si Migs, kaya tinanggap ko na naman sya. Mahal ko talaga ang Draculang ito, na mahilig sumipsip sa ibang babae. Hay! ano bang mga nai- isip ko, siguro sa sobrang kaka selos ko na ito. Magka yakap pa kami ni Migs, na lumabas ng Library ni ate Lisa. Parang wala na naman nangyaring away sa pagitan namin. "Babe, pwedi ba akong matulog dito sa kuwarto mo?" paki usap sa akin ni Migs. "No! ayaw ko. Aba, mahirap na baka kainin mo ako ng buhay. Dracula kapa naman." walang preno ang bibig ko na sinabi iyon kay Migs. Nakita ko ang pag dilim ng mukha ni Migs, kaya mabilis kong binuksan ang pinto ng room ko at pumasok sa loob. Pero nang isasara ko na ay mabilis naman na humarang si Migs, at kita ko sa kanyang mga mata ang pag babanta. Patay ako nito, kun

