ONE MONTH LATER... Naka uwi na sina Migs at Pamela, mula sa kanilang isang buwan na Honeymoon sa Canada. Sakay sila ngayon ng kotse pauwi sa bahay. Pero laking pag tataka ng bagong mag - asawa, dahil iba ang daan nila. "Kuya Elmer, bakit po iba ang dinadaanan natin?" nag tatakang tanong ni Pamela sa driver ni Lisa na sumundo sa kanila sa Airport. "Tama po Ma'am Pamela, Sir Migs. Mag tiwala po kayo sa akin, ito po ang bilin ni Senior Miguel at Señora Lucille sa akin." sagot naman ng driver. Kaya naman kahit nag tataka silang dalawa ay hindi na lang sila nag tanong pa. Malaki naman ang tiwala nila sa driver ng kanilang ate Lisa. Hindi rin basta lang driver nito, dahil Professional Bodyguard din itong si Elmer. Hanggang sa pumasok na ang kotse sa isang Exclusive Subdivision. Ta

