MAAYOS AKONG NAG PAALAM KAY MIGS, bago ako umalis sa Hospital. Halos ayaw pa nga akong payagan na umalis dahil natatakot sya baka daw mapa hamak ako. Pero wala din syang nagawa, dahil mapilit ako. Halos hindi din nya ako bitawan nang halikan ko sya sa labi. Parang nag ningning din ang mga mata ni Migs, nang ako mismo ang humalik sa kanyang labi. Alam kong masayang masaya sya ngayon dahil tuloyan ko na syang pinatawad. Tinanggap ko na rin ng buong- buo ang kanyang mga kahinaan at kakulangan. Ang mahalaga sa akin ngayon ay buhay si Migs. Maka kasama ko pa sya ng mas matagal at pwedi pa kaming bumawi sa isa't- isa. Kung ano man ang nagawa nyang kasalanan noon, alam kong pinag bayaran na rin nya iyon ng mahal. Nakita ko rin sa kanya ang pagsisisi at ilang beses din syang lumuhod sa harapan

