"Sir, mukhang dumarami na mga nagre- reklamo kaugnay ng mga sunod- sunod na nakawan ng mga Motor sa buong Lungsod. Araw- araw na lang meron tayong bagong kaso. Mukhang matinik ang mga Carnapper ng mga Motor. Meron din ilan nag reklamo dahil sa pagka wala ng kanilang mga kotse sa Parking Lot." wika ng kasamahan ni Migs na pulis. Kumakain sila ngayon sa isang Carenderia, malapit sa police station. Kahit si Migs, ay sumasakit na rin ang ulo nya dahil sa mga sunod-sunod na reklamo kaugnay ng mga sasakyan na nawawala. "Kailangan na natin kumilos, kailangan mahuli na ang mga animal na magnanakaw. Masyado na silang perwisyo sa taong bayan." sagot nito sa kasama. Isang operasyon ang isinagawa nila, upang mahuli ang mga Carnapper. Isang Ducati ang dumating malapit sa Park, at huminto ito m

