Kuyom ang mga kamao ni Pamela, matapos malaman ang ugnayan ni Kristoff sa laganap na nakawan ng mga Motor. Magka kasalo silang nag agahan sa bahay ni Lisa na nasa 10th floor ng M. S. PALACE HOTEL. Dumating din ang Tito General nila dahil tinawagan ito ni Migs kagabi. "Parang narinig ko na dati pa ang Black Swan. Hindi lang ako sigurado kung saan." biglang nasabi ni General Peneda. "Nag hihirap na siguro si Kristoff Ramirez, kaya sa pag nanakaw na ng mga motor ang trabaho nya. Hindi na rin nya magalaw ang mga Account nya, dahil naka frozen naman lahat. Hindi rin sya maka lantad dahil pinag hahanap na sya ng batas. Baka sa susunod kahit mga maliliit na tindahan ay pag nakawan na rin." wika naman ni Alfie, habang nag lalagay ng ulam sa kanyang plato. "Dapat talagang mahuli na kaagad

