LUMAPAG ANG HELICOPTER sa Rooftop ng M. S. PALACE HOTEL. Agad naman na bumaba sina Migs at Pamela. Akbay pa ni Migs si Pamela na pumasok sa loob ng bahay ng kanyang ate Lisa. Sa kusina sila nag tungo dahil pareho na silang gutom na dalawa. "Oh, Sir Migs, Ma'am Pamela, nandito pala kayo? kumain naba kayo, sir?" tanong sa kanila ni Aling Cisa. "Hindi pa, Aling Cisa. Pwedi mo ba kaming ipaghain? gutom na kasi kami." sagot naman ni Migs. "Sandali lang sir, at ipapa init ko ang natirang ulam kanina." agad naman na sagot ng matanda. "Salamat po, aling Cisa!" ani ni Pamela sa matanda. Binuksan naman ni Pamela ang refregirator at kinuha ang isang pitchel ng malamig na tubig. Uhaw na uhaw na rin sya, kaya naka dalawang baso sya ng tubig. "Baka hindi kana maka kain nyan, Babe?" pag

