Pamela's POV MABILIS AKONG TUMALON, para mag tago sa likod ng isang kotse. Wala akong dalang armas, kaya kailangan kong lumaban ng mano- mano sa aking kalaban. Iginala ko ang aking paningin sa paligid ko, nag babaka sakali akong may makita na kahit anong bagay na pwedi kong gamitin sa mga kalaban kong lalaki. Hindi naman ako nabigo, dahil may nakita akong bato sa gilid ng halaman. Kumuha ako ng dalawang bato, magka bilaan na kamay ko na ngayon ang may hawak na bato. Ngayon humanda sila sa akin at bibigyan ko sila ng masarap na hapunan. Nag handa na rin ako sa pag salubong sa mga kalaban ko. Nakita ko ang isa na dahan- dahan nang lumalapit dito sa pinag tataguan ko. Kaya naman agad akong tumayo, sabay hagis ng hawak kong bato. Nakita kong tumama ito sa kanyang noo, kaya a

