Ikaw lang ang gusto ikaw lang ang gusto Kahit 'di ako ang gusto mo kahit 'di ako'ng gusto mo Eto na, 'di na nga aasa 'Di na mamumula sa maling tao Shi-t ah Sabi ng utak, "Tama na" tama na Ayaw paawat ng aking na-na-nadarama Kahit na-na-na na-na-na-na Napangiti si Ivory ng abutan ang kuya Red niya habang nag so-song rehersal para sa concert nito na gagawin sa grand arena ng mga Lagdameo. Inutusan siya ng ina na dalahan daw muna niya ang Kuya niya ng masarap na pagkain dahil broken hearted daw ito according sa PA nito, ayaw daw kumain. Puro lang daw ito kanta at hindi maka-usap kaya ang Mommy naman nila to the rescue sa paborito nitong anak na talagang pinag-luto pa ng paborito nitong pagkain. Kumaway siya rito ng mapatingin sa kanya ngumiti naman ito na sumenyas na saglit la

