Malawak ang ngiti ni Raine ng pagpasok niya sa loob ng office niya at abutan si Chase Van Amstel, nakaka-amoy nanaman siya ng pera. Kagabi sapilitan itong nag pasingit sa appointment niya for today urgent lang daw ginamit pa talaga nito ang mga parents nila para lang makasingit ito. Agad na siyang naupo sa upuan niyang parang pang reyna, kitang-kita naman niya ang pag pikit-pikit ni Chase ng mata na kinusot pa nito. Neon orange kasi ang kulay ng suot niyang dress habang na dedesensyohan ng bilog-bilog na neon yellow naman na kapag tumingin ka talaga naman sasakit ang mata mo at parang matutuling ka habang asul ang suot niyang ankle boots at ang malaki niyang shade. Violet naman na matingkad ang kulay ng bag niya, daig pa ang may gera ang kulay ng mga suot niya pero wala siyang cares

