"Chase… what is all this?" napapangiting tanong ni Ivory ng alisin ni Chase ang piring niya at makilala ang sikat na resto na pag-aari ng Kuya Doel at Ate Winter ang skyline palace sa Intramuros kung saan makikita mo 360-degree view ng ilang parte ng metro manila gaya ng Manila Bay sunset, Rizal Park, at part ng Makati skyline. Buong akala niya kung saan sila pupunta dahil nag helicopter pa sila. Ang alam niya mahirap makakuha ng reservation sa restaurant na yun talagang ibobook mo talaga, walang palakasan o kama-kamag-anak sa rules nila Doel at Winter. Iilang table lang din kasi ang naroon at malalayo ang pagitan talaga napaka solemn at eleganteng tingnan. Hindi mo rin makikita ang ibang customer dahil sa mga division ng bawat table na parang mga grapes vines. "Are you gonna propose ag

