Tahimik ang buong bahay, kakaalis lang ni Chase na sinundo ni Emerson dahil meron daw emergency sa company ni Chase. Kung gaano ito kabalis na dumalaw sa kanilang mag-ina ganun din ito kabilis na umalis. Naiwan si Ivory, si Cross naman ay mahimbing na natutulog, at syempre, ang ever-chismoso’t certified marites na si Julien na may pag babye pa kay Chase kanina. Pag-alis ni Chase agad na naka-isip na mag laba si Ivory ng mga damit ng anak kahit hindi naman talaga siya ang nag lalaba nun dahil meron silang labandera na napunta sa bahay every other day. Nakita pa ni Ivory ang pagngiti ni Julien na naka sandal sa hamba ng pinto, nag kunwaring abala naman siya sa paglalaba ng mga baby clothes. Medyo mas agresibo ang pagkukusot—parang may pinagdadaanan. "Grabe ka maglaba, gorl. Pa

