Malakas pa din ang ulan sa labas at wala pa din kuryente at ayon sa social media marami ng bayan ang lubog na sa baha. Medyo mataas naman ang puwesto ng bahay ni Julien kaya hindi sila nag-aalala. Kuryente lang talaga ang kailangan nila dahil kay Cross pag hindi pa magkakaroon hanggang mamaya mapipilitan na siyang lumikas para sa kapakanan ng anak niya. Pipilitin na lang niya si Julien na sumama. "Ay pota—Good morning, Mr. Flagpole." bulong ni Julien na lumabas sa kuwarto at deretsong napatingin kay Chase na natutulog sa sala nila. Nakatalukbong ng kumot ang binata pero malinaw na may "tent" sa bandang ibaba nito. Tulog pa rin ito dahil puyat ayaw pa ni Chase na dalahin niya sa kuwarto si Cross kagabi kaya silang mag-ina ang nakatulog sa loob ng playpen habang naka subo pa rin kay C

