"Alam mo ba kung paano ko unang nakilala ang Mommy mo?" mahinang bulong ni Chase, 2am na ng madaling araw medyo natatakot siya sa lakas ng ulan sa labas pakiramdam niya matutuklap ang bubong ng bahay ni Julien. Buti na lang hindi nag babrown-out. Gising na gising si Cross at nakatitig lang sa kanya na parang nakikinig sa ikinukuwento niya, namimilog ang labi nito na kay sarap kagatin. Hindi niya makita ang eksaktong mukha ni Cross parang kamukha niya na parang kamukha din ni Ivory. Buti na lang hindi ito umiyak ng magising nagtitig lang ito at papikit-pikit. Napansin niya na lagi itong naka pout lips na ang cute tingnan kaya kahit inaantok na siya pinanlalabanan n'ya. Gusto niya itong pupugin ng halik pero pinipigilan niya dahil alam niyang bawal iyon saka medyo may tumutubo ng babalbas

