"Kung ayaw mo ng ulam na niluto ko dun ka na lang sa sala, bantayan mo si Cross." supladang wika ni Ivory nag nakatingin si Chase sa ulam na nakahain sa mesa na parang gusto pa nitong sumimangot. "Anong ulam?" bungad naman ni Julien na pumasok na sa kusina. "Blanched leafy greens tossed with crushed sweet tomatoes, infused with sparkling salted seafood essence, and crowned with our signature favorite — the Fish Fillet Del El Niño." nagkatawanan pa si Julien at Ivory ng maupo ito. "Kain na tayo habang tulog pa sa Prinsipe." yaya naman ni Julien kay Chase. "Ayaw niya ng ulam kaya wag mo ng yayain." ani Ivory ng maupo na sa tabi ni Julien na nilagyan pa ng kanin sa pinggan nito. "Kakain ako pero ano to?" tanong ni Chase sa isang bowl na may kulay brown na sarsa tapos may

