"Gusto mo bang sopas para sa dinner?" tanong ni Julien mula sa kusina. "Bakit mag luluto ka ba?" sagot naman ni Ivory habang inihihiga sa loob ng play pen ang anak na ayaw matulog. "Ikaw mag luluto." natawa naman si Ivory, akala pa nanaman niya ito dahil ang aalok. Malakas ang ulan sa labas. Kumukulog, kumikidlat. Ang lakas din ng hangin sumisigaw sa labas ng bintana. 2 araw na ang ulan pero mahina na kaninang umaga at sabi lalabas na ang bagyo pero mas lalo pa yatang lumakas ngayon. Hindi na sila makalabas sa labas dahil nga bukod sa malakas ang ulan may kasama pang kulog at kidlat. Nung malaman niyang may bagyo niyaya na niyang umuwi muna ng Manila si Julien kaso ayaw naman nito. Pinapayagan naman siya nitong umuwi silang mag-ina kaso ayaw naman niya itong iwan mag-isa. Ala

