"Kailangan ba talaga natin gawin to?" kabadong tanong ni Ivory kay Chase habang nag papark na si Emerson ng sasakyan sa parking space sa bahay ng parents niya. Nasa likod sila ng kotse at sa pagitan nila ni Chase ang car seat ni Cross na kasama nila. Nagkasundo sila na formal na humarap sa parents niya bilang couple na hindi nila ginawa noon. Gusto ni Chase na gawin tama na ang lahat at formal di tulad ng dati. "We have too, hindi dahil kailangan kundi dahil ito ang tama na hindi natin ginawa noon. I want their blessing," ani Chase na kinuha pa ang kamay niya. "Pero hindi pa naman tayo mag papakasal diba?" "Ayaw mo pa ba?" balik tanong ni Chase, hindi naman si Ivory. "You sure you want to do this?" "Too late to run?" tugon naman ni Chase na hinalikan pa ang likuran ng kamay n

