"Wala ka bang balak umuwi?" tanong ni Ivory ng lumabas mula sa kuwarto, kakatapos lang niyang maligo. "Wala pa sila Julien, wala kang kasama." "Hindi sila uuwi, nag text na sa akin si Julien." "Edi dito na muna ako matutulog," "Ayoko hindi puwede." "Bakit? Wala akong gagawin promise." itinaas pa nito ang kamay na kanan na parang na nunumpa. "Ayokong iwan lang kayong dalawa na walang kasama." "Chas—" "Basta dito lang ako, wala akong gagawin pangako! Sasamahan ko lang kayo." giit ni Chase na hindi na nakaimik si Ivory na napalingon na lang sa cellphone na nag riring. Lumapit siya roon ng makita ang ina ang natawag kaya agad na niyang sinagot ang facetime call. "Hi Mom," "Hindi ka ba uuwi ngayon gabi?" "Hindi po, nandito po ako sa condo." "Sino kasama mo diyan? Nakita

