Nagulat na napataas ng tingin si Chase ng biglang bumukas ang pinto ng office niya at basta nalang pumasok si Ivory kasunod si Via na nakangiwi na lang na nakatingin sa ama na sinenyasan na lang na okay na umalis na ito. Ang bilin kasi niya wala munang papasok sa office niya dahil ang dami niyang kailangan tapusin na trabaho. Pero ng makita si Ivory pakiramdam niya bigla siyang nanghina lalo at gusto na lang niyang magpayakap rito ng mahigpit. "She’s here." wika pa nito na ikinakunot ng noo niya na tumayo mula sa kinauupuan niya para sana lapitan ang nobya. "She who?" takang tanong niya na napahinto sa paglapit kay Ivory ng biglang buksan ni Ivory ang pinto at pinapasok ang isang babaeng hindi niya gustong makita pa. Donna. "What the f*ck is she doing here?" sigaw ni Chase na

