"Tang*! Tang*! Tang*! Masyado akong nag pauto sa'yong tanga ka! Yung pala hindi mo nalinis ang kalat na ginawa n'yo noon. Paano kung magsalita ang babaeng yan? Paano kung ituro kayo? Anong gagawin n'yo!" gigil na sigaw ni Mance Duquit. "Kung makapag salita kayo parang ang linis ng konsensya n'yo! Tandaan n'yo kayo ang nag produce ng unang film niya sa po*nsite at malaki ang kinita n'yo at wag din kayong mag malinis na parang hindi n'yo pinag sawaan si Jamima noon dahil alam na alam natin lahat kung gaano kayo kaduming producer sa mga talent n'yo." galit din angil ni Steven. "Talagang ibabato mo nanaman sa akin ang katangahan mo. Pinatigil ko na kayo noon dahil nakakahalata na si Red sa ginagawa natin pero anong ginawa mo itinuloy mo pa. Pinagtakpan na kita nag pauto a

