Habang tahimik na lumabas sila Ivory at Red tahimik na nakamasid ang isang babae sa paglabas ng dalawang tao. Eyes tracking Ivory and focusing on Red. Hindi siya gumagalaw hindi rin siya naglabas ng kahit anong emosyon, pero ang pagkakatitig niya— puno ng galit at hinanakit. Kay Red na inakala niyang magagawa siyang mahalin, kay Ivory na all this time pala ay siya rin ang saksi ng gabing iyon. Ang gabing gusto na niyang kalimutan, ang gabing sumira ng tuluyan sa buhay niya. Hanggang ngayon tahimik pa rin natutulog ang isa pang saksi sa kaganapan ang manager ni Red. Still fighting for his life pero tinitiyak niya na hindi na ito magigising para isiwalat ang buong katotohanan. Habang si Ivory naman ay isa pa rin saksi ngunit hindi niya magawang galawin dahil bukod sa kapatid ito ni Red, an

