Napabangon si Ivory habang nakikinig sa isang balita na ngayon ay naka live telecast tungkol kay Donna, bago nag mamadaling inabot niya ang cellphone at tingnan ang oras saka muling tumingin sa tv kung saan nakikita ang mga police tape sa isang high-rise condo, ambulance na umiilaw ang mga ilaw at tumutunog ang serena. Mga police car at mga pulis na nag kalat sa buong paligid ganun din ang maraming reporter na nag co-cover ng controversy. A stretcher is being wheeled out—covered in a white sheet. Cameras flash. Whispers rise in the crowd. "Magandang gabi. Isa pong balita ang yumanig sa mundo ng showbiz ngayong gabi. Natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang condo unit ang kilalang sikat na singer-actress na si Donna, na pinaniwalaang ang dating recording artist Jamima, ang babaeng

