Quill’s POV Masaya at energize ako na gumising ng araw na ‘yon. Excited rin ako dahil ngayon na ang unang araw ng pagsasama namin ng exotic angel ko! Hindi na ako makapaghintay at sana ibalik na siya ni Quaid sa akin at huwag na siyang humirit pa! Lagot talaga sa akin ang kapatid kong ‘yon, gugulangin pa ako! Three days na kaya sila sa rest house at balita ko nasira pa niya ang vintage na mesa ni Lola. Kaya nga siya pinagalitan ni Quartz dahil mahal ang value ng mesa na ‘yon na sinira lang niya. Maloko din talaga ang isang ‘yon, pero hindi ako magpapalamang sa kanya. I will make my angel happy at magpaparanas din ako ng mga fisrt sa kanya. Sisiguraduhin ko na mababaliw din siya sa kagwapuhan ko, paglalambing at pag-aalaga ko sa kanya. Gagawin ko din ang lahat para mapasaya siya ng husto!

