Masaya ako nang umuwi na kami ni Quaid sa mansion, makikita ko na ulit silang tatlo at magkakasama na rin kami. Tsaka ngayong araw na rin ang start ng araw namin ni Quill. Excited ako kung saan kami pupunta sa aming date o anong plano niyang gawin. Pero kahit naman hindi magarbo ang kanyang gagawin, okay lang sa akin. Naaawa nga ako ng konti sa kanya dahil siya na lang ang hindi nakaka-score sa kanilang apat. Tapos tinuturing din siyang bunso ng kanyang mga kapatid na kinaiinisan niya. Hindi ko pa siya nakakasama ng matagal pero kinikilig din ako pag niyayakap niya ako at hinahalikan sa pisngi. Tsaka gustong-gusto ko din pag ngumingiti siya kasi lumalabas ang isa niyang dimple. Sa tuwing nakikita ko siya, parang full of energy siya lagi, pero sa kama kaya? Full of energy din kaya siya? Ano

