Forty Six

1813 Words

Matapos na matignan ng doctor si Quill at binigyan ng gamot, hinatid namin siya sa kanyang kwarto para makapagpahinga na. Kahit pala napatumba niya ang mga lalakeng ‘yon, nabugbog din naman siya. Kahit pa sabihin niya na okay lang siya, nananakit na pala ang buo niyang katawan. Tapos may lakas pa siyang tuksuhin ako. Nagpapasalamat ako sa kanyang mga kapatid dahil sa ginawa nila. Akala ko talaga wala silang pakialam kay Quill, pero tumawag pa talaga sila ng doctor para matignan ito. Ang tigas naman kasi ng ulo at ayaw pang magpadala sa ospital. Pinagbigyan ko siya sa kanyang hiling na matulog ako sa kanyang kwarto na katabi siya. Tsaka mas mabuti na rin ‘yon para may magbantay sa kanya. Nauna siyang nag-shower at pumunta muna ako sa aking kwarto para doon na ako maligo at makapagpatuyo ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD