Nilinisan ko ang sugat sa pisngi ni Quill at hindi niya mapigilan na ilayo ang kanyang mukha at mapa-hiss dahil sa hapdi. Nakadampi ang ice na binalutan ko ng towel sa maga niya na kamay. Dinala ko siya sa kanyang kwarto para hindi na siya asarin ng kanyang mga kapatid na sinalubong kami kanina. Tapos ako pa talaga ang una nilang inasikaso kaysa sa kapatid nilang marami na ngang pasa dahil nakipag-bugbugan ba naman siya sa isang grupo ng lalake. Hindi nga ako makapaniwala na napatumba niya lahat. Ako naman ay napaaway rin sa babae na kumuha ng picture namin nang mag-kiss kami sa arcade. Baka obsessed fan ‘yon ni Quill kaya gano’n na lang ang naging reaksyon niya at nagsumbong pa sa duwag niyang boyfriend na may backup. Saglit ko lang nakita kung paano nakipaglaban si Quill pero magaling si

