Pumunta kami sa mall ni Quill at akala ko manonood din kami sa sine gaya ng ginawa namin ni Quartz, pero dinala niya muna ako sa isang kainan doon. Sa restaurant na ‘yon ay ikaw mismo ang magluluto ng pagkain. May beef, pork, chicken, may na-marinate at meron ding maanghang. Kung anu-ano din na gulay ang naihain sa harap ko, mga sawsawan na kakaiba, may oil, may itlog at iba pa na hindi ko alam ang tawag. muntik ko ng mailuwa ang tinatawag na ‘kimchi’ ni Quill dahil sa sobrang anghang nito. Siya din ang nagluto sa mga karne roon na nira-wrap niya sa lettuce at sinusubo niya sa akin. Masarap ito at lasang premium grade ang mga karne, kaya lang hassle pa dahil ikaw mismo ang magluluto. Pero enjoy dahil pinagsisilbihan niya ako at nagsusubuan pa kami ng pagkain. Kakaiba ito, at first time ko

