Thirty One

2209 Words

Sobrang pigil ko sa aking sarili habang nasa sasakyan lang ako at kasusap ni Quaid ang babae. Ang isa siguro sa mga babae na nakasiping nila sa mga kanilang sexcapades. Hindi ko akalain na makakakilala ako ng isa sa kanila at ngayon nga ay namumuo ang curiousity ko kung kailan nila ito nakilala at kailan nila ito ginawa. Baka bago pa lang, baka isang araw bago ako magtrabaho sa kanila. Hindi ko maatim na tignan ang mukha ng babae at hindi ko rin yata kaya na makasama ngayon si Quaid dahil sa nalaman ko. Ang masayang araw ko kanina na kasama siyang mamalengke at mag-grocery ay nawala na. Kahit landiin pa niya ako ngayon ay walang epekto sa akin. Matiyaga lang akong naghintay at mahaba din ang usapan nila. Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ng babae at binigyan niya ako ng matalim na tingin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD