Madilim na nang makarating kami sa condo building kung saan nakarating si Xanthe at malamang nandito rin si Rouge. Hindi ko na siya tinawagan pa at magduda pa ‘yon at bigla na lang umuwi. Gusto ko na magkaharap na kaming lahat para matapos na rin ang paglilihim niya sa akin. Gusto ko rin marinig mula sa kanya kung bakit siya nagpanggap na ako. She’s a smart girl at kung sino man ang hahabulin ng lalake talaga ay ang kapatid ko. Hindi ako makapaniwala na gagawin niya ‘yon para lang makuha ang interest ng isang lalake, at kay Xanthe pa! I really don’t like the guy dahil sobrang taas ng kanyang ego. He wants to have anything he wants at gusto niya na siya ang laging panalo. Hindi niya naman talaga ako gusto. He see me as a challenge dahil nga isa akong playgirl noon, no man can hold me back.

