Malakas akong kumatok sa pinto ng aking kapatid ng araw na ‘yon. Wala kaming klase at hindi ko kasama si Vermilion dahil may inaasikaso siya na importante and it's out of the country kaya mawawala siya ng tatlong araw. Medyo malungkot ako pero nag-promise naman siya that he will pamper me with pleasure pag nakabalik na siya. That’s a good compromise. Wala naman kaming gagawin, kaya balak o siyang yayain na mag-beach at para mapag-usapan na rin namin ang tungkol sa aming business. Tuwang-tuwa ako dahil naging interesado rito ang aking boyfriend and I look forward working with him. “Rouge!” tawag ko sa kanya. Pinihit ko ang door handle at nakabukas ito. Isa pa itong kapatid ko. Ang purpose ko kung bakit gusto ko rin na pumunta kami sa beach ay para kausapin siya tungkol sa kanyang secret r

