Jane's P. O. V:: Haayyy... Ang tagal naman ata ng magchecheck up sa akin 148 years na ang nakalipas oh. Haha joke. Nakakabagot pa naman maghintay dito. Nandito ako ngayon sa isang silid na puno ng machines and stuff na makikita mo kadalasan sa ospital kompleto rin sila dito. "pasensiya na sa paghihintay" napatingin ako sa nagsalita isang babae na nasa mga 30's ang itsura kulay brown ang buhok niya na shoulder length lang, aba salamat naman at hindi pula ang mata niya, grabe mestisa rin tong babaeng to ito pa ha ang sexy niya. Paano ko nalaman?? Eh kasi namin nakasuot siya ng uniporme ng pangnurse kaya kitang kita ang hubog ng katawan nakasuot rin siya ng lab coat. "hi I'm Roxanne " nakangiti niyang sabi. "ahm hello po" bati ko naman. "nga pala ito nga pala si Shiro" sabay pagpapak

