Medyo SPG Jane's P. O. V:: Naglalaro lang kami ni Reina sa garden ngayon close na kami hehehe. Kanina ko pa iniisip na feeling ko talaga iniiwasan ako ni Raiven kanina nga lang din nung kakausapin ko sana siya umalis siya. Tsk problema ba niya sa akin hindi kaya galit pa rin siya dahil kahapon?? Grabe siya hindi makamove on ganoon?? "Ate Jane may problema ka ba?? " pagtatanong ni Reina medyo nahihiya pa rin siya pero nakikipaghalubilo na siya. "huh w-wala " sagot ko. Nahagip ng mga paningin ko si Raiven nakatingin siya sa banda namin ng makita niyang nakatingin rin ako umiwas siya ng tingin. Aba problema niya?? "Jane nag away ba kayo ng apo ko?? " pagtatanong ni Ms. Alice. "po hindi ko nga po alam eh" sabi ko. "talaga tong si Raiven. Ako na bahala dyan" sabi niya at kumindat

