Chapter 41 (Queen) Layt's POV I can't still believe na nasa harapan ko ngayon ang kakambal ko. Hindi rin naman pala buong buhay ko ay panay kamalasan ang matatamo ko dahil Ang magkaroon ng isang kapatid na kagaya niya ay ang pinakamagandang biyaya na aking nakamtan. Nakapagtataka lang na hindi ko pa naaalala ang mga nakaraan ko dito sa mundong ito. Pinilit kong alalahanin ang nakaraan ngunit mas sumasakit lang ang ang ulo ko kakaisip. Napatingin ako sa aking kapatid na ngayo'y mahimbing na natutulog. Magkamukhang magkamukha talaga kami. Tama ako, lahat ng pangyayari sa buhay ay may rason. Ang pagpapanggap ko bilang Princess Light ay nakatulong sa akin para mahanap ko ang aking sarili. Hindi ko akalain na totoo pala na isa ang Prinsesa. Hindi man Princess Light pero Princess Layt.

