Chapter 42 (Cupid x Rock) Layt's POV Hindi ko mapigilan ang aking ngiti. Magkahawak ang aming kamay. Patungo kami sa aming mga kaibigan para ibalita ang kung anong mayroon sa aming dalawa. Akala ko mahirap abutin ang langit kapag ikaw ang nasa lupa. Kailangan mo lang talagang lumipad para maabot ito. Huwag dapat sumuko. Kahit hindi man ako isang Prinsesa, mamahalin pa rin ako ng lalaking mahal ko. Bonus nalang ang pagiging Prinsesa ko. "Smiling again Ms. Layt? Or Mrs. Layt? What do you prefer?" Mas napangiti ako. Ganito pala siya kasweet. Kala ko noong una, siya yung tipong lalaki na mahirap makasundo dahil sa sobrang kasungitan. Maswerte nalang ako dahil ako yung minahal at mahal at mamahalin niya. "Your Princess." Sagot ko sa kanya. "I don't like that." Napasimangot naman ako. Hin

