Chapter 43 (Mate. My Forever.) Layts' POV "Layt are you okay?" Naramdaman ko naman ang pagyugyog sa balikat ko ni King. Napaiyak nalang ako sa sobrang takot. Akala ko ay katapusan ko na. Natulala ako. Hindi ko alam kung anong nangyari. Para bang nacocontrol niya ang galaw at isip ko. Hindi ko rin alam kung paano siya nakaalis sa aking harapan. "Layt are you okay? What happened?" Ulit na tanong ni King. Mayamaya ay dumating si Light. Bigla niya akong niyakap. "Naramdaman ko ang presensya niya. Anong ginawa niya sayo?" Umiling ako. Wala akong maalala pagkatapos nung magpakita siya sa akin nang malapitan. "At least safe ka. Halika na. Masyadong madilim na. Hindi niya talaga tayo titigilan hanggang hindi niya tayo nakikitil." Inakay naman niya ako pabalik sa palasyo. Alerto naman kami sa

