bc

Tamed by Cupid's Angel

book_age16+
110
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
reincarnation/transmigration
badgirl
princess
demon
mythology
supernature earth
superpower
supernatural
like
intro-logo
Blurb

She is a half-mortal enslaved by the King from below. He was Cupid's angel from above. With one mistake like how the tale of Eros and Psyche began, Levi's finger got pricked by his own arrow. Ang pinagkakaiba lang ay yung kapares na pana ng anghel na ito ay isang mortal na tagalupa, sa kanilang pagkakaalam.

In just one prick, everything changed. She got tamed by Cupid's Angel.

Is their love even legal if both Kingdoms will judge? How far can an angel sacrifice to capture the demonic heart of this princess?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Pricked
*** Cupid's role is to match two hearts as one. Others call it meant to be, destiny or soul mates. Well, cupid alone can't do all the work so of course, he has his angels to help him.   One pair of arrows differs from all the other pairs. Same goes with two human beings, who can never love another as much as they love the ones that were really meant for them. Their other half.   No 'UNDO' button whenever an arrow is pulled and released.   With just one reckless move from one of cupid's angel, HE got pricked by the tip of his own arrow.   Nabalisa si Kupido. As a consequence, this little angel is given a mission, reincarnated and sent to Earth. Babalik siya sa pagkabata at tatanggalin ang memorya niya. Hindi siya makakabalik sa tahanan niya hanggang sa hindi niya makita ang babaeng pinana niya.   Paano nga ba???   She's not some ordinary girl. Let's see if he finds the girl and tames her evil heart.     ***     Levi'sPOV Pinakawalan ko ang mga pakpak ko at bumwelo. Handang-handa na ako. "Ano Levi? Pwede ka pang umatras. Baka matalo lang kita!" taas noong sambit niya sa’kin. "At kelan ka pa nanalo sa’kin Valron? Puro ka lang salita," sa isang idlap, mabilis kong naitaas ang sarili ko at lumipad pataas habang pasimpleng umiiwas sa mga ulap na nagsisilbing hadlang sa amin. "Hoy! Madaya ka!" Rinig ko pang habol niya habang nasa likuran ko siya. "Puro kasi satsat! Hahaha!" Makalipas ang ilang segundo, narating ko rin ang katapusan. Panalo ulit ako syempre.   "Talunan ka pa rin Valron!" Sabay tawa ko na sinabayan na rin niya. Pabiro kaming nag-away gamit ang mga sibat bilang espada. "Ehem…" Natigil kaming dalawa at napatingin sa harapan namin para harapin kung sinuman ang tumikhim. "Eros," sabay naming sambit ni Valron bago yumuko para magbigay galang sa aming pinuno. "Bakit niyo ginagawang laruan ang mga sibat na iyan? Ano nga ulit ang sinabi ko tungkol sa mga 'yan? Ikaw Levi. Sumagot ka." "Ang bawat sibat ay nakatadhana sa isa pang pares nito na kailanman ay hindi mahihigitan ng ibang sibat at hindi matatanggal ang koneksyon nito sa bawat isa." Sagot ko nang nakayuko pa din. "Valron? Ano pa." "Dapat itong alagaan at pahalagahan." "Mabuti at alam niyo kaya bakit ninyo ito pinaglalaruan? Na naman?" "Patawad po Eros. Hindi na mauulit."  Eros'POV Napailing nalang ako sa dalawang anghel ko. Sa lahat, ang dalawang 'to ang pinakamalikot at pinakapilyo na animo’y mga bubwit pa pero kung tutuusin, ilang dekada palang ang tanda nila kumpara sa ibang anghel. Medyo sumasakit ang ulo ko sa kanila pero kahit ano pa man, ay mapapatawad ko pa din ang mga ito. "O siya. May ipapagawa ako sa inyo. Ikaw Levi, hanapan mo ng kapares ang babaeng ito. Alam mo na kung paano iyon at ikaw naman Valron. Etong lalaking ‘to naman na masyado ng bulag sa pagmamahal. Tulungan mo siya." Pinakita ko rin ang larawan dalawang taong tinutukoy ko. "Masusunod po." Sambit nila kaya tumango na rin ako at nagpaalam sa dalawa. Sana lang wala silang kapilyuhan ngayon.  Valron'sPOV Lalaki pa iyong akin. Nako naman buti pa yung kay Levi, ang gandang dilag. Bumukas na rin ako ng sariling lagusan para makita ko ang mga tagalupa. Ito ang siyang bintana namin para masilayan sila saan mang sulok ng mundo, kahit sa pinakatagong lugar ay kaya namin silang hanapin. Dapat ko pang alamin ang eksaktong lokasyon ng lalaking iyon na binigay sa’kin ni Kupido. Patuloy ako sa paghahanap hanggang sa nakita ko na nga siya sa isang café at tila ang lalim ng iniisip. Base sa mabigat na aura niya, basag na basag ang kanyang puso. Itinaas ko ang kamay ko at itinapat sa kanya para mabasa ko ang kanyang utak. Hmm... Napatingin ako kay Levi na kalmadong hinahanap ang kanya. Napaisip ulit ako.   "Levi. Ano, pabilisang matapos ang misyon?" "Gusto ko iyan pero magtigil ka muna. Malalagot tayo kay Eros. Ikaw palagi dahilan eh," sagot niya at nakatutok pa rin sa portal na siyang nabuksan. "Hoy anong ako! Tayo kamo." Nagkatinginan kami bago napatawa ng kaonti. Balik na nga lang ulit ako sa trabaho nang matapos na.    Levi's POV Medyo nababagot na ako kakahagilap sa babaeng hahanapan ko ng kapares. Saan ba kasi siya nagsusuot at ang hirap niya makita? Paiba-iba ako ng lokasyon at nakailang wagayway na ako ng aking kamay hanggang sa nasilayan ko rin siya sa wakas. Mag-isa ito sa isang madilim na silid habang may hawak na boteng alak. Maganda siya para sa isang tagalupa. Ibang klaseng kagandahan pero yung mga mata niya, parang walang buhay. Ang lamig. Hinawi niya ang mahabang buhok na sumasagi sa mukha niya tsaka uminom ulit at kitang-kita ko kung paano lumapat ang dulo ng bote sa mamumula niyang labi. May iba sa aura niya na parang mahirap intindihin at masyado ata akong nahuhumaling sa dilag na ito. Medyo sumakit ang ulo ko pero hindi ko na ininda at inayos ang aking pamana tsaka bumwelo. Isa... dalawa… tatlo. Tumama sa puso. Kumunot ang noo niya at luminga-linga. Siguro nagkataon lang na may sinusuri siya dahil syempre hindi iyon nakikita o nararamdaman ng kahit na sinong tao. Ano kayang pangalan niya at ano kayang pinagdadaanan niya para mag-inom nang ganito mag-isa sa isang madilim na lugar? Ano ba naman ito. Hanapin ko na nga lang ang kapares niya nang matapos. Sunod ay minanipula ko ang lagusan para lumipat ulit sa ibang lokasyon. Sa isang wagayway ng kamay ko pakanan, ibang lugar ulit. Malapit na iyong kapares niya ramdam ko. Dalawang lipat pa, ayun! Isang chinitong lalaki na masayang nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Agad kong hinanda ang aking pamana at tinignan siyang maigi. Kinuha ko na din iyong kapares na pana at medyo sinuri pa ito. Swerte niya dun sa babae ah. Ilalagay ko na sana sa pamana ng may biglang bumunggo sa aking likuran. "Aray!" Nasambit ko hindi dahil sa pagkabunggo, kundi dahil sa natusok kong daliri nang nadulas ang pana sa pagkakahawak ko. "Puro kayo trabahong dalawa! Karera na tayo!" Masiglang sambit sakin ni Cyrus pero ako, nanatiling nakatutok saking daliri na may kaonting dugo na umaagos mula dito. Hindi nasusugatan ang mga tao dito pero kami pala, oo. "Levi! Napaano iyan?" Tanong ni Valron at nakalapit na din sa amin. "Natusok ako."   Nanlaki ang mga mata niya at bago pa siya makapagsalitang muli, nasa harapan na ulit namin si Eros. "Cyrus! Anong ginawa mo?!" "Po? Eh binunggo ko lang si Levi ng pabiro tapos iyan. Patawad po kung mali pala ang aking nagawa." Nagsalubong ang dalawang kilay at napasapok ang isang palad sa sariling noo. Minasahe ni Eros ang kanyang sentido na tila hindi talaga makapaniwala sa nangyari. "Mabuti sana kung simpleng bunggo lang ang nangyari Cyrus. Sa ginawa mo, maaaring masira ang balanse sa mundo natin at sa mundo ng mga tao. Hindi pwedeng mangyari iyon! Ano na lang ang sasabihin ng nakatataas na pinuno?" Palakad-lakad si Eros nang pabalik-balik sa harapan namin. "Bakit? Ano bang problema?" Nagtatakang tanong ko.    "Levi. Natusok ka sa pana na hindi dapat mangyari kasi..." simula ni Valron at tsaka ko lang naisip iyon. Hindi dapat dahil iisa lang ang pares ng bawat pana. Walang katulad kaya hindi pwedeng magkamali pero nangyari ito. Sa mukha ni Cyrus, alam kong nag rehistro rin sa kanya ang ibig iparating ni Valron.   Isang malaking aksidente.   "Ano ang gagawin ko Eros? Gayong nangyari na ito. Siguro may solusyon pa?" Napalinga sa akin si Eros na seryoso ang mukha. Tumutok siya sa mga mata ko. "Bababa ka sa lupa at harapin mo ang babae. Ikaw ang naturingang kalahati ng puso niya dahil sa nangyari. Iyon ang natatanging paraan." Tila napatalon ako sa sinabi ni Eros pati din ang dalawa. "Pero hindi pa kailanmang naganap ang ganoong pangyayari! Ang isang anghel na bumaba sa lupa at maging mortal." "Ipagpaumanhin mo ang ginawa ko Levi. Kung sana'y alam ko na ganoon ang mangyayari ay hindi na sana kita binunggo." Sambit ni Cyrus. Tinanguan ko lang siya at napatawad agad. Walang magandang maidudulot kung magagalit pa ako dahil tapos na. "Iyon lang talaga ang tanging solusyon Levi. Ikaw ay babalik sa pagkabata. Sa sinapupunan ng isang babaeng tagalupa. Iikot pabalik ang oras para kayo'y magtagpo ng babae. Wala kang maaalala na isa kang anghel hangga't hindi mo siya matagpuan." Paliwanag ni Eros.   "Eh paano po ako muling makakabalik dito?"  "Hanapan mo siya ng magmamahal sa kanya. Iyong totoong pagmamahal at ikaw dapat ang humanap. Hindi siya ang makakatagpo sa lalaking iyon kundi ikaw." Lalo akong nanlumo sa di inaasahang misyon ko sa lupa. Dahil lang sa simpleng pagkakamali, ito ang kinahantungan. Isang pagkakamaling sisira sa tahimik kong buhay dito sa langit.  Ang pagkatusok sa pana ni Kupido.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.5K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

My Godfather My husband

read
269.5K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.6K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
481.6K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
470.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook