Chapter 22

3077 Words
"Thanks. Pambawi ko sa'yo eh. Teka, paano ka nakauwi? Tsaka bakit ang tagal mong nakauwi??" sunod-sunod na tanong ko. I just want to know otherwise, I'd be thinking about it until I figure it out. "Umm.. si Matt. Hinatid niya ako."  Nagulat ako. "Diba siya yung nagpaiyak sa'yo? Did he hurt you again?" I asked concerned.  "No. Actually.. I gave him another chance. After all, everyone deserves a second chance right?" she smiled happily.  A chance.  My shoulders suddenly slumped down and something inside me is.. I don't know.  "I'm happy for you." I grinned widely but it didn't felt right.  "Thanks Raph. I know you'll support me." "Sure. Sige, maligo ka na or we'll be late. Dun muna ako sa kabila." she nodded kaya tumayo na agad ako at lumabas. Pagkapasok ko sa kwarto, napaupo ako sa kama staring at nothing in particular. Nung napatingin ako sa salamin sa gilid, nakakunot ang noo ko.  What is wrong with myself? Alam kong merong mali pero hindi ko maintindihan siguro dahil hindi ako tunay na tao. Nakakasakit sa ulo. One thing's sure though. I'm not delighted with the news.   *** Cassandra's POV "Raph, mauna ka na muna sa building ah. Iintayin ko si Matt. Papahatid kita kay Manong." sabi ko kahit gusto ko sanang sabay kami pero ayoko munang malaman ni Matt na nakatira nga si Raphael dito sa bahay ko. He would surely flip. "Okay. I'll see you there." he smiled and wave goodbye bago pumasok sa sasakyan at nauna na sila. Maya-maya pa ay dumating na rin si Matt. "Morning baby." he called me with our endearment. "Good morning too." sabay pasok ko sa front seat. "Wala man lang kiss?" "Wala." "Kahit sa cheeks?" I rolled my eyes and gave him a quick peck on the right cheek. "Ayan. Happy?" "Pwede na. Sa ngayon." tsaka siya kumindat. Napangiti nalang ako doon at pinaandar na niya ang sasakyan. Alam kong parang kailan lang when I found out he cheated on me and it's still bugging my thoughts pero hindi ko lang pinapahalita kay Matt. Gusto ko lang maramdaman yung relasyon namin bago ang pagkakamali niya. Maybe I can confide to Raphael. He always listens to me. Ano na kayang ginagawa niya ngayon dun sa building?    *** Darra's POV Maaga ako ngayon mainly because I'm excited to see Raphael again.  "Woah, himala at hindi ka late Darra." natatawang sambit ni Tita Jenny. "Mabuti nga ng di sumakit ulo mo Tita Jen. Am I right?" He shrugged. "Quite right but I know you too well." sabay irap niya ng pabiro. "Oh really?" I smirked. "Yes, really and speaking of, here he is." nguso ni Tita Jenny sa likuran ko kaya agad akong napalingon. There in the doorway in his dark blue jeans and a white T-shirt, stood Raphael Davis. Sheez. He is so damn hot alright. Bagay na bagay for me. Lumapit siya sa amin at binati si Tita Jenny bago siya napatingin sakin. I gave him my sweetest smile that any guy would fall. "Good morning Raph." and I kissed his cheek. I expected him to flinch or give away any reaction that I affected him but he did not which made me pout slightly.  "Good morning din Darra." he half-smiled showing of his cute dimples that added to his sexiness. Ang sarap niyang i-take home.  I immediately went to his side and clung to his arm. "Let's take a sit over there. Mamaya pa naman ang shoot since may inaayos pa ang mga staffs at wala pa rin si Cassandra." "Sure."  Naupo nga kami ng nakakapit pa rin ako sa kanya leaning a little to show off some front. He's still a man and surely, he'll give in to my charms in no time. "So Raph. Tell me about yourself." "Like what?"  "Anything like where do you live, how old are you, your favorite cars, foods, etcetera." after I said those, napakunot ang noo niya and he looked troubled avoiding my gaze. "I can't tell you anything yet." So he's secretive huh? Or mysterious? Mas lalo ko tuloy siyang nagustuhan. Ewan ko ba, gusto ko na talaga siya.  "Hmm.. okay. You're single right?"  Tumango siya pero kahit umiling man siya, I'm sure he'd still be mine later on.  "How many girlfriends have you had?" tanong ko ulit. "None." deretsong sagot niya ng nakangiti while shrugging his shoulders as if its no big deal. Literal akong napanganga. He can't be gay, alam kong straight siya. I've had my fair share of men to distinguish which men are straight or not.  Siguro may past siya or anything but wala pa siyang experience. Lalo akong na-excite.  "Well in that case.." bigla akong kumandong sa lap niya which he didn't expect kaya muntik akong nahulog but he held my sides to support my weight. "Careful."  I blushed and grinned widely. A gentleman too. Before he could react or speak some more, I kissed him on the lips.  Right on the corner of my eyes, I saw Cassandra came in.      Cassandra's POV Pagkapasok ko, iyon agad ang nasilayan ng dalawa kong mata. Darra on top of his lap while his hands holding her waist. Nanatili akong nakatayo dito na tila naistatwa na at nakatingin sa kanila. I blinked a few more times and before I could stop my mouth.. "Raphael!" I called out kaya bigla siyang napahiwalay sa halikan nila at napatingin sakin with an utter confusion on his handsome face.  "Cassie." sambit niya sa pangalan ko. Napatingin ako kay Darra na nakangiti sakin. More like a smirk actually. Bakit hindi pa rin siya umaalis sa itaas ni Raph at ba't hinayaan ng lalaking ito ang panghahalay ni Darra sa kainosentihan niya?? And why am I even ranting like this in my head???   "You're disturbing us Cassandra. Haven't you heard of privacy?" nakataas na kilay na sambit niya sakin with that same smirk plastered on her face. Parang gusto ko tuloy siyang sapakin.  Napatingin si Raph kay Darra. "She isn't disturbing anything. Excuse me for a while Darra. I think Cassie wants to talk to me." casual na sambit niya. Napasimangot si Darra. "We just kissed. Didn't you liked it? Ba't parang wala lang sa'yo? Didn't you felt anything? Sparks probably??"      Raphael's POV We just kissed? Oh yeah that's what you call that. Did I liked it? I don't know. Felt anything? Sparks?? Parang sumasakit ang ulo ko sa pinagsasabi niya at parang may idadagdag pa siya. I gently lifted her off me which earned her a slight gasp. "You're really gentle.." she whispered. "Of course. You deserve it like any other women to be treated nicely." I smiled. Namula siya agad. "I'll talk to you later. Mag-uusap lang kami ni Cassie." "Okay."  Tumayo na ako agad at lumapit kay Cassie pero bigla siyang tumalikod at naglakad pero sumunod naman ako. Now, we're inside the ladies dressing room. "Sino naghatid sa'yo Cassie?" "Si Matt." "Did he treated you fine?" I asked tilting my head slightly para madakip ko ang tingin niya kasi nasa gilid siya nakatingin. "Of course Raph. Why wouldn't he?" "He..." cheated. I was about to say but decided not to. I might hurt her.  "Nothing." ngumiti ulit ako. "Sabay tayo kumain mamaya?" tanong ko. "Umm.. sorry Raph pero susunduin ako ni Matt kasi sabay raw kami." "Oh. Okay, it's alright. Ipagluluto ulit kita ng dinner mamaya ah? Kainin mo lahat pambawi mo?"  She chuckled. "Okay sige. Sarapan mo ah?"  "Of course!" I fisted my hand to the air. Before we could talk some more, pumasok si Jenny at sinabihang magsisimula na raw kami kaya kumaway ako kay Cassie bago lumabas  para lumipat sa kabilang dressing room.      *** Darra's POV After the photoshoot, lalapit na sana si Cassandra kay Raphael pero agad ko siyang inunahan at hinawakan si Raph sa kanang braso. "Raph, let's eat lunch together. Wala akong kasama eh." I said with my usual sweet voice. Tumingin siya sakin bago ngumiti at tumango.  "Sure Darra." I smiled enthusiastically melting on how he smiles and says my name. Damn boy. Pagtingin ko kay Cassandra, blangko lang ang mukha niya kaya nginitian ko ulit siya. Ng mapang-asar syempre. We never had any problems actually but we're not close either nor do I consider her as my friend but we remain civilized pero ngayon, iba na. Masyado siyang malapit sa soon-to-be-boyfriend KO.  And I hate her for that. Later on, the door opened and Matt appeared. Sila pa pala? "Hey baby." sabay halik nito sa pisngi ni Cass.  "Hi Matt." Out of wonder, napatingin ako kay Raph na nakatingin rin pala sa dalawa pero hindi ko pa rin talaga mabasa ang expresyon ng mukha niya. After a while, I shrugged. "Let's go Raph?"  "Alright."  I pulled him right away para mauna kaming lumabas. Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa kay Cassandra at hindi rin ata siya nahalata ni Matt dahil yumuko ito para ayusin ang sintas ng sapatos niya.  "Do you have a car?" I asked. "Wala eh." "That's fine. You can ride with me and I'll treat you lunch." Yeah. You can ride me, I mean.. ride with me. Either way. I am seriously lusting over him, am I? But nah, who cares. Ang gwapo niya ba naman kasi.  Nakarating naman agad kami sa parking lot at sa sasakyan ko. Take note: he opened the car door for me. He is so perfect.  "So Raph, ba't hindi ka pa nagkaka-girlfriend?" tanong ko. "Uh.. I haven't liked anyone yet." "Really??? Not even once??"  I can feel him looking at me at nung sumaglit ako ng tingin sa kanya, parang ang lalim ng iniisip niya na para bang nag-iisp siya kung may nagustuhan na ba siya o wala.  "Well I guess not, right?" pangunguna ko. "Yeah.. right."  I smiled triumphantly. Ako pala ang una mong magugustuhan Raphael Warren Davis. I'm sure of that.      *** "Raph, wanna come over to my place? I'll cook you dinner." prisinta ko. "Ah, wag na muna ngayon Darra. I have to go home and so some stuffs."  Malungkot ko siyang tiningnan and his eyes softened right away. "Hey cheer up. Wag kang malungkot. Promise, I'll go next time." at ayun na naman ang pamatay niyang ngiti. Haaiist. Hindi na ako magtataka if I one day, I'd go obsessed over this man. Tumango nalang ako at ngumiti rin bago siya hinalikan sa pisngi. Parang boyfriend ko na talaga siya.  "Bye Raph. See ya tomorrow." "Bye Darra. Be careful when you drive." bilin pa niya. Awee. Of course, pakakasalan pa kita. Alright, I think that's enough for today. Bukas ulit.      *** Raphael's POV Adobong manok. It's what I'm currently learning how to cook right now with the help of Nanay Lucia. Naka-apron pa ako ng kulay puti. Malapit na kaming matapos at sana magustuhan ni Cassie 'to. Nasa itaas na kasi siya at tawagin ko raw kung tapos na. It's still 6:01pm but it'll be done in a few minutes. I had to before it reaches 7pm. I hear footsteps. Si Cassie na siguro 'yan. I quickly turned with a grin pero hindi pala si Cassie. "Anong ginagawa mo dito? Anong karapatan mo dito sa pamamahay ng girlfriend ko?" si Matt. "Matt hijo, huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Raphael. Tsaka dito siya nakatira hindi ba nasabi sa iyo ng alaga ko?"  Base on his facial expression, I can tell that he doesn't know. Galit na ang mukha niya. "Where's Cassandra? Oh probably upstairs. Pupuntahan ko siya."    Matt's POV Paalis na sana ako ng may naramdaman akong kamay na lumapat sa balikat ko para pumigil.  "Teka lang. Wag kang magalit kay Cassie. Wala siyang kasalanan."  Cassie? May nickname ang isang 'to sa girlfriend ko?? Lalo akong nakaramdam ng galit at hinarap siya.  "Tama. Wala siyang kasalanan dahil siguro, nagpumilit kang manatili dito. Sino ka ba ha? Ano ka niya?"  pagduduro ko pa sa kanya. "Hijo." "Okay lang Nay Lucia. Mag-uusap lang kami." nginitian niya pa si Nay Lucia na mas lalong kinainis ko. Ayaw kasi sakin ni Nay Lucia. Ayaw niya sakin para sa alaga niya at ngayon, nginingitian niya ang isang 'to na parang siya na ang pinakamabait na tao sa mundo. Bumaling ulit ang mukha niya sa akin.   "I'm Raphael Warren Davis. Her friend. The friend who helped her when she got broken because of you."  Blanko lang ang mukha niya na parang normal lang ang lahat pero napakuyom ako. Lakas ng loob ng maangas na ito. "Hindi ko 'yun sinadya."  "Paanong hindi?" "Dahil.." napatigil ako dahil hindi ko naisip ang sunod na sasabihin.  "Sinadya mo." pirming pagkakasabi niya. "Hindi!" medyo pasigaw na sabi ko at humakbang ng konti pero hindi natinag ang gago.  "You don't deserve her."  Apat na salita at napadako ang kamao ko sa mukha niya. Natumba siya sa sahig kasabay ang pagsigaw ni Nay Lucia kaya maya-maya pa ay naririnig ko ang pagbaba ni Cassandra ng hagdan at papunta dito samin. "Matt!! Oh my gosh! Anong ginawa mo kay Raphael?!" sigaw niya sakin pero hindi ko muna siya pinansin at tinignan si Raphael sa sahig. Malakas ang pagkakasuntok ko pero bakit hindi man lang nasugatan ang lintik niyang mukha? Dahan-dahan itong tumayo na parang wala lang at tumgin sakin.   "Fool." sambit niya ng nakangiti.   Cassandra's POV Nagulat ako sa sinabi ni Raph at pagtingin ko kay Matt, mas lalong nagalit ang mukha niya at susugod sana ulit pero pumagitna na ako para pigilan siya. "Matt stop! Ano ka ba?! Wala namang ginawa sa'yo si Raph ah!" pagtatanggol ko kay Raph. He snorted.  "Anong wala Cass? Paano mo nalaman eh nasa itaas ka kanina? He mocked me and pissed me off just a while ago! Tsaka anong ginagawa ng lalaking iyan dito sa bahay mo??"  Oo nga pala. Hindi ko pa nasabi sa kanya. I sighed. "He lives here for the mean time." "What?! Wala bang tirahan 'yan?? O baka walang pera kaya nagpapalamon at nakikitira?? Ang kapal ng mukha-----"  I slapped him. Basta nalang gusto ko siyang sampalin dahil sa mga salita niya kaya nagawa ko nga.  Natahimik ang buong kapaligiran.   "You slapped me because of that damn bastard huh? What the f**k Cassandra. Magsama kayong dalawa." sabay talikod niya at nagmadaling maglakad. Susunod na sana ako pero may humawak sa braso ko. "Cassie. Let him be for now." si Raph. "Oo nga anak. Palamigin mo muna ang ulo niya at baka lalo kayong mag away."  Eventually I agreed. Tama naman sila.   "Let's go upstairs?" suhestiyon ni Raph at tumango naman ako agad. I checked the time. 6:37pm. Malapit na rin pala. Dumiretso kami sa kwarto ko at naupo sa kama. "Cassie I'm sorry. It's all my fault." malungkot ang boses niya habang nakayuko at hindi ako sanay sa side niyang ito.  "No Raph. Wala kang kasalanan. Hindi ko rin naman kasi nasabi sa kanyang andito ka nakatira.." "Aalis nalang ako." "No!" mabilis kong sabi kaya napatingin siya sakin. Parang nakaramdam bigla ako ng hiya dahil dun. "I mean.. yeah.. wag kang umalis. Paano nalang ang sekreto mo?" pero sekreto niya nga lang ba ang dahilan ko? Gusto ko lang rin naman kasing kasama siya dito.   "Are you sure?" he asked. "Of course I am."  He smiled and pulled me into a hug. Kumabog yung dibdib ko pero walang tunog yung sa kanya. Oo nga pala. He's a mannequin. I relaxed and hugged him back.   "It'll be alright Cassie. Magkakabati rin kayo. I'll try to help."  "No, don't. Okay lang. Kilala ko si Matt Raph. Magagalit at magagalit pa rin siya sa'yo kaya wag na okay? We can handle this." Makalipas ang ilang segundo, tsaka siya nagsalita at humiwalay sa pagkakayakap. "Okay." Nakangiti na siya kaya bigla akong napatingin sa gilid ng labi niya. Unconsciously, my right hand went up to the side of his face.  "Bakit hindi ka nasugatan? Teka, may masakit ba? Gagamutin ko."  He smiled wider bago hinawakan ang kamay kong nakahawak sa mukha niya. Doon ko lang napagtantong ang lapit na pala namin. Ang gwapo niya naman talaga oh. His face is just flawless. "Cassie. I'm a mannequin. My heart doesn't beat and I don't feel what humans like you normally feel. I don't get hurt." nakangiti siya pero nakakita ako ng kalungkutan sa mga mata niya kahit saglit lang 'yun.  "Don't smile if you don't want to Raph. That is what we humans do when we feel sad."  Dahil sa sinabi ko, his eyes brighten. "Sad? Really?" "Yeah. Sabi ko sa'yo, tutulungan kita diba?" Tumango siya. Nagkatitigan kami. Ang ganda pala ng mata niyang kulay light brown.    "Uh Cass?" "Hmm?" "You can let go now. I'll be a mannequin soon." then came the realization. Masyado akong nalula sa mga mata niya kaya bumitaw ako at namula sa hiya, "O..oo nga pala. Hehe. Sorry." "Good night Cassie." he stood right at the corner of my room. 6:58pm. "Good night Raph."    7:00pm and he's a mannequin again.     *** Sabay kami ni Raphael ngayon matapos namin pumuntang boutique bago ang building kung saan ang photoshoot. Hindi rin ako kinontact ni Matt kahit sinubukan ko. Oh well, hayaan ko muna kahit ngayon lang.  "Raphael! Hey!" bati agad ni Darra pagkapasok namin sa room. Tumakbo siya patungo kay Raph at yumakap ng mahigpit. "I missed you." and Raph being Raph, he hugged back. Napa-ismid ako ng may kalakasan. "Got any problem Cassandra?" "No, not at all." Pero peron talaga. Bakit ba ang landi niya? Pssh. Ang dami naman diyan na pwede niyang landiin pero si Raph pa talaga. Si Raph na inosente, mabait, gentleman, gwapo.. aisshh! Oo nga naman. Bakit hindi siya? Parang every girl's dream na nga ata siya pero kasi, don't get me wrong. Matagal na kaming nagkatrabaho ni Darra at maraming nalilink sa kanya and take note, iba-iba ang boyfriend niya every now and then. Paano nalang kung masaktan niya si Raphael? 'Pero hindi nga siya nasasaktan diba?'  sabi ng konsensya ko. Oo nga raw pala pero kahit na. I'm just concerned because he's my friend.  "Miss Cassandra? Hey, Miss Cass?" I snapped out of my thoughts. I really did spaced out. "Uh, sorry. What was that again?" tanong ko sa isa kong assistant. "Pinapatawag po kayo ni Madam Jenny doon sa set." "Oh okay. Thanks."    Pumunta na nga ako at andun na yung dalawa kasama ang iilan pang models na under ni Tita Jenny. Naupo ako katabi ni Raph. "You spaced out." bulong ni Raph. "I know. Parang tanga lang ako kanina noh?" bulong ko pabalik. "Nah. Ang cute mo nun." he chuckled. Magsasalita pa sana ako pero..   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD