6-FAST CAR ISN'T MY THING KIRRA Nandyan na ang palaka! Maraming palaka! Mukhang palaka! Sya na yun! Sya na yun! Ugh! Maaga pa. Nandyan na ang palaka! Maraming palaka! Mukhang palaka! Sya na yun! Sya na yun! Konti pa. Nandyan na ang palaka! Maraming palaka! Mukhang palaka! Sya na yun! Sya na yun! o.O Hindi pala yun alarm! Inalis ko kaagad ang comforter na nakabalot sa’kin at kinuha ang phone ko sa table. “Hello?” [ABA KIRRA ANONG ORAS NA NAKAHILATA KA PA!! MAHIYA KA NAMAN SA MAY ARI NG BAHAY!!] As usual ang mahal kong ina namiss kaagad ang pagsesermon sa’kin tuwing umaga. “Good morning to you too nay.” Tumihaya ako at bumungad ang magandang chandelier. Bigla akong kinilig dahil sobrang sarap ng tulog

